Category: Registrar

ccr

CITY CIVIL REGISTRAR, DINAGSA SA KDAPS 4.0 SA BARANGAY PATADON

Kidapawan City-(August 7,2025) Dinayo ng mga residente ang serbisyong handog ng City Civil Registrar sa ilalim ng Kabarangayan Dad-an ug Proyekto ug Serbisyo 4.0 o KDAPS na isinagawa ngayon lamang August 7, 2025 sa Barangay Patadon.

Umabot sa mahigit kumulang 200 na mga tao ang napagsilbihan ng opisina. Karamihan ay humingi ng tulong sa pagproseso ng mga dokumentong sibil tulad ng birth certificate, marriage certificate, death certificate, at iba pang kaugnay na serbisyo.

Bilang tugon sa dami ng mga benepisyaryo, buong araw na nag-operate ang City Civil Registrar sa barangay upang matiyak na maasikaso ang lahat.

Patunay ito ng pangako ng City Government na magiging madali na para sa mga Kidapaweños ang pagkuha ng Sertipiko ng Pagkakakilanlan, lalo na sa mga malalayong barangay

Naging matagumpay ang naisagawang programa sa nasabing barangay, sa kabuuan umabot sa 1,765 na mga residente ang nabigyan ng libreng serbisyo at lubos na nagpapasalamat rito.##(Djallyca Ganancial/City Information Office)

Read More
birth

NON REGISTERED RESIDENTS NG MALAYONG BARANGAY BINIGYAN NG LIBRENG BIRTH REGISTRATION NG CITY GOVERNMENT

KIDAPAWAN CITY – (August 6, 2025) MAYROON ng Birth Certificates ang siyam na mga residente ng isang malayong barangay sa lungsod, matapos pumunta sa kanila at magbigay serbisyo ang mga kagawad ng Local City Civil Registrar’s Office o CCR.

Ikinatuwa nila ang libreng serbisyong hatid ng CCR dahil sa pamamagitan nito ay mayroon na silang opisyal na dokumentong pagkakakilanlan.

Dahil dito mas madali na silang makatatanggap ng mga serbisyo at programa mula sa Pamahalaan.

Ito ay partnership ng Philippine Statistics Authority (PSA) at ng City Government.

Pinangunahan ni Local Civil Registrar Atty. Chris Cabelin ang team na nagsagawa ng Free Birth Registration sa Purok 4 ng Barangay Sto Niño nitong hapon ng August 5.##(Lloyd Kenzo Oasay/City Information Office)

Read More