Category: News

vf

BAGONG DOKTOR NG CHO, DAGDAG SA HEALTH FORCES NG CITY LGU

KIDAPAWAN CITY (July 8, 2025) – USAPING PANGKALUSUGAN, ito ang isa sa pangunahing prayoridad ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan na ihatid sa mga residente nito. Partikular na ang pantay na access sa health services upang mapadali ang paglunas sa mga karamdaman sa mga barangay at maiwasan ang pagsiksikan sa mga ospital sa lungsod.

Upang matugunan ang tumataas na demand sa serbisyong ito, nito lang July 1, 2025, araw ng Martes ay mayroong bagong kasaping doktor ang City Health Office ang tinanggap ng Lokal na Pamahalaan.

Siya ay si James Bacaoco, MD., tubong Kidapawan na nagtapos ng BS Biology sa University of Southern Mindanao Kabacan Campus at ng kursong Medicine mula sa Mariano Marcos State University ng Ilocos Norte.

Si Dr. Bacaoco ay isang iskolar sa ilalim ng Doktor Para Sa Bayan ng Department of Health o DOH at Commission on Higher Education o CHED, at bahagi din ng 119 rural health physicians ng Doctors to the Barrios o DTTB Program na pinadala ng DOH.

Nagcourtesy call si Dr. Bacaoco kay City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, kasama sina City Councilor Dr. Ted Matthew Evangelista, City Administrator Janice Garcia, DOH-Development Management Officer Heideliza Chio, City Health Officer Jocelyn Encienzo, at Admin Officer Ian Gonzales.

Inaasahan namang mas mapahusay pa ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan ng CHO sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga kadalubhasaan ni Dr. Bacaoco.##(Vonkluck Herrera | City Information Office)

Read More
dff

DALAWANG CITY LGU EMPLOYEES NA NAGTAGUMPAY SA CS AT LET EXAMS, PINARANGALAN NG CITY GOVERNMENT

KIDAPAWAN CITY (July 8, 2025) – ISA sa pangunahing layunin ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan ay ang mahikayat ang mga kawani nito na linangin ang kanilang mga kakayahan upang mas mapaganda ang performance at serbisyong handog ng mga kawani nito sa publiko.

At nito lamang araw ng Lunes, July 7, kasabay ng Convocation Program ng City Government ay pinarangalan sina Enicita Gonzales na kakapasa lang sa Career Professional Examination ng Civil Service Commission, at si Charmalou Paña na kakapasa lang din sa kaparehong pagsusulit at Licensure Examination for Teacher o LET.

Personal namang iniabot ang parangal sa dalawa nina City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, City Vice-Mayor Melvin Lamata, Jr. at ng mga City Councilor na sina Aljo Cris Dizon, Mike Ablang, Carlo Agamon, Dina Espina-Chua, Dr. Philbert Malaluan, Dr. Ted Matthew Evangelista, Bernardo Piñol, Jr. Judge Francis Palmones, Galen Ray Lonzaga, at Jason Roy Sibug.

Inaasahan naman ng City Government na mas madami pang empleyado nito ang mahimok na mag-aral at linangin ang angking kakayahan at maging bahagi ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence o PRAISE na may layong hikayatin, kilalanin, at gantimpalaan ang mga empleyado para sa kanilang mga ambag sa pagiging epektibo, pagtitipid, at pagpapabuti ng mga operasyon ng pamahalaan.##(Vonkluck Herrera | City Information Office)

Read More
ahensiya

MGA AHENSYANG NAKIISA SA TAGUMPAY NG KDAPS 3.0, KINILALA NG LGU-KIDAPAWAN

Kidapawan City- (July 7, 2025) Maaga palang sa ginawang Convocation Program ng City Government Of Kidapawan, sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ay ginawaran ng Sertipiko ang mga katuwang sa pagbuo ng Kabarangayan Dad-An og Proyekto ug Serbisyo o KDAPS ngayong araw ng Lunes July 07.

Sa nabanggit na programa, binigyan ng sertipiko ang mga Local agencies kasama ang National Agencies katulad na lamang ng mga sumusunod: Office of the City Building Officials, City Planning and Development Office, Business Permit and Licensing Office, City Treasurer’s Office, Public Employment and Service Office, Public OFW Desk Office, Department Of Labor and Employment, Department of Agrarian Reform, Office of the City Agriculturist, Office of the City Civil Registrar, Cotabato Electric Cooperative Inc., Public Attorney Office, City Social Welfare Development Office, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine National Police, Philippine Statistic Authority, Bureau of Fire Protection, Bureau of Internal Revenue, at Commission on Election.

Ang naturang sertipiko ay simbolo ng pasasalamat sa tagumpay sa proyektong inilunsad ng City Government, na hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang pagpaaabot ng serbisyo at programa sa mga Barangay sa lungsod.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga nabanggit na Ahensya sa LGU Kidapawan sa matagumpay na pagsasagawa ng KDAPS, mula noon hanggang sa darating pang mga taon. ##(Leo Umban / City Information Office)

Read More
ambulance

BAGONG AMBULANSIYA IPINAGKALOOB SA BFP KIDAPAWAN

Kidapawan City- (July 7, 2025) Para sa mas mabilis na tugon sa emergency, ipinagkaloob ng Lokal na Pamahalaan ang isang bagong ambulansya sa Bureau of Fire Protection o BFP.

Ginanap ito ngayong araw ng Lunes, July 7, 2025 kasabay ng isinagawang Convocation Program ng City LGU. Binasbasan ang sasakyan ni Rev. Fr. Allan Sasi, DCK kasama sina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, City Vice Mayor Melvin E. Lamata Jr., mga City Councilors, Fire Senior Inspector Richard Visitacion, at mga kawani ng Gobyerno.

Ang panibagong sasakyan ay malaking tulong para sa BFP upang mas mapabilis ang kanilang pagresponde, sa mga insidenteng nangangailangan ng agarang atensyon.

Nilalayon ng Lokal na Pamahalaan na mapalakas pa ang mga ahensyang tutugon sa mga kalamidad para sa kapakanan ng mga Kidapaweño na nangangailangan ng atensiyong medikal.##(Djallyca Ganancial/ City Information Office)

Read More
dubai

NAGWAGING BATANG KIDAPAWEÑA SA DUBAI, KINILALA NG LGU-KIDAPAWAN

Kidapawan City- (July 7, 2025) Isang batang Kidapaweña at estudyante ng Kidapawan City Pilot Elementary School ang nagwagi sa Global Academic Olympiad sa Dubai, United Arab Emirates noong June 13 to 17 ngayong taon.

Si Gabrielle Ceithlynne S. Raagas ay lumaban sa English Category ng nasabing kompetisyon, kung saan naging katunggali nito ang mga mag-aaral mula sa apatnapung (40) bansa kasama ang USA, Australia at Brazil.

Nasungkit niya ang pinakamataas na parangal sa nasabing kompetisyon, ang Diamond Award.

Ang tagumpay ni Raagas sa International Competition ay binigyang pagkilala rin ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan, kasabay ng isinagawang Monday Convocation Program ngayong araw July 7, 2025.

Ikinatutuwa ng Kidapawan City LGU ang mga kahalintulad na tagumpay na nasungkit ni Raagas, lalo pa at isa ito sa dahilan na nakikilala rin ang lungsod at ang mga galing ng mga mamamayan nito sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Ang panalong ito, ay patunay na maraming mga Kidapaweños ang namamayagpag sa ibat-ibang mga kompetisyon at kinikilala hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang mga bansa sa mundo. ##(Ryzyl M. Villote/ City Information Office)

Read More
treasury

CITY TREASURER’S OFFICE LUMAGPAS SA TAX COLLECTION TARGET NITONG UNANG SEMESTRE NG 2025

KIDAPAWAN CITY – (July 7, 2025) MAHIGIT sa 100% na Tax Collection Efficiency Rate ang naitala ng City Treasurer’s Office sa mga target nito sa first semester o unang anim na buwan ng taong kasalukuyan.

Basehan nito ang January 1-June 30, 2025 Office Accomplishment na iniulat ng Tanggapan ng Ingat Yaman ng Lokal na Pamahalaan nitong umaga ng July 7, sa ginanap na Flag Raising Ceremony at Convocation Program ng City Government.

Sa Real Property Taxes (Basic Tax) pa lang ay nakakolekta na ng P31,198,201.00 mula sa target na P23 Million o 135% Collection Efficiency ang City Treasurer’s Office.

Nagtala naman ng P44,741,462.18 mula sa Estimated Target na P36 Million para sa Special Education Fund o katumbas sa 124% Collection Efficiency.

P20,051,002.33 naman ang nakolekta ng City Hospital kumpara sa target nito na P15 Million o katumbas sa 133.67% collection rate.

Samantala, nasa P204,762,358.71 na ang nakokolektang Local Taxes na 106% na lumagpas sa target nitong mahigit sa P192 Million.

Binigyang pugay ni City Mayor Atty. Paolo Evangelista at ng Sangguniang Panlungsod ang mga kawani ng CTO sa pagpupunyagi nitong malagpasan ang target sa pangongolekta ng buwis para sa taong kasalukyan.

Tiniyak ng alkalde na mapupunta sa makabuluhang mga proyekto na magbibigay benepisyo sa lahat ang buwis na ibinabayad ng mga mamamayan sa Lokal na Pamahalaan.

Kaugnay nito ay mas pinabibilis na ng CTO ang pagbibigay serbisyo sa mga taxpayers sa pamamagitan ng on-line payment system via gcash, LandBank Biz Portal at Text Blasting. ##(Lloyd Kenzo Oasay/City Information Office)

Read More
road

MGA BAGO AT KONKRETONG DAAN RESULTA NG GOOD GOVERNANCE – MAYOR PAO

KIDAPAWAN CITY – (July 4, 2025) MAAYOS NA PAMUMUNO o good governance ang dahilan kung bakit tuloy-tuloy sa kasalukuyan ang pagpapatupad ng mga bagong proyektong daan sa mga kabaranggayan ng lungsod.

Sinabi ito ni City Mayor Atty. Paolo Evangelista ng ibigay niya sa mga residente ng tatlong purok ng Barangay Ginatilan, ang mga bagong konkretong daan sa kanilang mga komunidad.

Maliban pa sa nagmula sa buwis na binabayaran ng mamamayan ang naturang mga proyekto, isinantabi muna ng mga opisyal ng City Government ang nais nilang magkaroon ng bagong City Hall.

Bagkus, wika pa ng alkalde, na ang ninanais nilang magpatayo ng bagong gusali ng City LGU ay sa halip, ibinuhos na lamang sa pagsasaayos ng mga daan na mas mapapakinabangan pa ng nakararami.

Nitong umaga ng July 4 ay na i-turn over ng City Government ang abot sa halos P 7 Million na road concreting project sa Purok 1,2 at 4 ng Barangay Ginatilan.

Pinasalamatan naman ng mga residente ng lugar ang proyekto, lalo na at malaking pakinabang ang hatid ng mga ito sa mabilis at kumportable nilang pagbyahe sa pang-araw-araw.

Sisikapin ni Mayor Pao, na mako-konkreto na ang lahat ng mga daan sa mga barangay ng lungsod sa kanyang pangalawang termino.

Sinaksihan ang turn over ceremony nina City Vice Mayor Melvin Lamata Jr, City Councilors Aljo Cris Dizon, Mike Ablang, Galen Lonzaga at Atty. Francis Palmones Jr, mga department managers ng City Government, at ang Barangay LGU officials at purok leaders ng Ginatilan.##(Lloyd Kenzo Oasay/City Information Office)

Read More
kasalan

MAYOR EVANGELISTA, PINANGUNAHAN ANG PAG IISANG DIBDIB NG MGA MAGSING-IROG SA KIDAPAWAN CITY

Kidapawan City- (July 4,2025) Walong mga pares ang sabay na ikinasal ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa isang simple at makahulugang seremonya sa City Convention Center umaga nitong Biyernes, July 4, 2025.

Ang libreng kasal ay isa sa mga programa ng Lokal na Pamahalaan na naglalayong palalimin ang ugnayan ng mga magkasintahan tungo sa pagbuo ng matibay at matatag na tahanan.

Nakatanggap ang mga bagong kasal ng iba’t ibang libreng serbisyo gaya na lamang ng photoshoot, wedding setup, marriage certificate.

Personal din na nag abot ng regalo si Mayor Evangelista sa mga bagong kasal.

Ang libreng kasal ay hakbang ng City LGU upang gawing pormal ang pagsasama ng mga magsing-irog na matagal nang nagsasama na hindi sumailalim sa basbas ng kasal.

Pinayuhan naman ng alkalde ang mga ikinasal na maging tapat sa kanilang parter upang mas maging matatag pa ang pagbuo ng mga ito ng kanilang pamilya.##(Djallyca Ganancial | City Information Office)

Read More
fullfilled

“PROMISES MADE, PROMISES FULFILLED”

Kidapawan City-(July 4, 2025) HUMINGI ng paumanhin si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa mga regular na namamasyal at nag eensayo, maging yaong mga nag eehersisyo, sa kaunting aberya na mararanasan sa Eco-park sa Barangay Magsaysay, sa mga darating na mga araw.

Maaari raw kasi na maapektuhan ang kanilang daily routine, lalo na at sisimula na ang pagsasaayos sa nasabing pasyalan.

Ayon sa alkalde, sisimulan anumang araw mula ngayon ang phase 1 o ang paglalagay ng drainage, at phase 2 kung saan isasailalim sa asphalting ang oval track.

Kabilang sa mga tatrabahuin ang paglalagay ng thermoplastic lane marker (white), perimeter canal at drainage, steel grating, kulay pulang shoudering at ang paglalagay ng aspalto sa track.

Kapag nakumpleto na ang mga nasabing proyekto, agad naman na sisimulan ang pag-rubberize sa oval track, dagdag pa ni Mayor Evangelista.##(Williamor Magbanua/ City Information Office)

Read More
STRIKE

KIDAPAWAN CITY MAYOR MAGPAPATUPAD NG ONE STRIKE POLICY SA MGA EMPLEYADONG LUMABAG SA ANTI-SMOKING AT NO HELMET NO TRAVEL POLICY

Kidapawan City-(July 3, 2025) INI-UTOS ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, sa lahat ng mga department managers ng City Government na imonitor ang kanilang mga empleyado kung sinusunod ng mga ito ang mga lokal na ordinansa na pinapatupad sa lungsod.

Ang kautosan ng alkalde ay kasunod ng mga reports na kanyang natanggap at maging personal na obserbasyon, na umanoy may mga empleyado ang hindi sumusunod sa mga ordinansa kagaya ng anti-smoking at ang hindi pagsusuot ng helmet.

Ayon kay Mayor Evangelista, nawawalan ng saysay ang kanyang utos na hulihin ang mga lumalabag sa anti-smoking at no helmet no travel policy kung mismong ang mga lingkod bayan at mga kawani ng lokal na pamahalaan ang sumusuway nito.

Sinabi ng alkalde na kapag may lumabag sa kanyang kautusan lalo na ang mga Job Order employees, casuals at Contract of Service, ay agad niya itong tatanggalin sa trabaho.

Kapag ang regular employees naman ang lumabag, ang department manager ng empleyado ang mananagot at magpapaliwanag sa alkalde.

Kaya ang apila ni Mayor Evangelista, maging huwaran ang lahat ng mga empleyado at sumunod sa mga batas o ordinansa, para maka iwas sa anumang uri ng aberya.##(Williamor Magbanua|City Information Office)

Read More