CONSISTENT SGLG AWARD NG KIDAPAWAN CITY, PINAG-AARALANG MAIPATUPAD SA IBANG LGU NG REHIYON
KIDAPAWAN CITY – ( August 6, 2025) LAMAN ngayon ng isang research project sa pagitan ng Department of the Interior and Local Government Region XII at ng Notre Dame of Marbel University ang pagiging consistent Seal of Good Local Governance ang Kidapawan City..
Layun ng pananaliksik na malaman ang mga good practices ng lungsod na magiging sukatan para umunlad, at makapagbigay pa ng maayos na serbisyo at pamumuno ang ibang mga Local Government Units ng SOCCSKSARGEN Region.
Nagsilbing modelo ang Lungsod ng Kidapawan sa magkasunod na pitong taong pagkakapanalo nito ng SGLG.
Kamakailan lang ay pumirma sa isang Memorandum of Agreement ang DILG XII at NDMU para sa naturang proyekto.
Nagsagawa ng interview sina NDMU Quality Assurance Director Wilter Friales at Publication Officer Kloyde Caday sa ilang mga departmento at unit heads ng City Government.
Kanilang inalam kung papaano ginawa ang mga good practices sa mga core areas ng SGLG gaya ng: Financial Administration, Disaster Preparedness, Peace and Order, Social Protection, Business-Friendliness and Competitiveness, at Environmental Management.
Ikinagalak ng team mula sa NDMU na malaman na ginagaya na rin ng iba pang LGU’s na nagsagawa ng ‘benchmarking’ sa Kidapawan City ang naturang mga good practices sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Magsisilbing gabay ng DILG ang mga impormasyong makakalap mula sa pananaliksik ng NDMU upang mas mai-angat pa ang pamantayan sa mahusay na pamumuno ng mga Pamahalaang Lokal at pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan.##(Lloyd Kenzo L.Oasay/City Information Office)