Category: News

487517635_1095229779286084_3266193603804354205_n

PAGTATANIM NG 400 NA PUNONG-KAHOY SA LUNGSOD NG KIDAPAWAN, KINILALA NG LOKAL NA PAMAHALAAN

Kidapawan City-(March 31, 2025) Patuloy na sinusuportahan ng mga Gagmay’ng Kristohanong Katilingban o GKK sa Lungsod ng Kidapawan ang programang Canopy ’25 ng Lokal na Pamahalaan.

Sa isinagawang Monday Convocation Program ngayong araw March 31, pinarangalan at pinasalamatan ng City Government ang GKK San Roque sa Brgy. Kalasuyan at GKK San Isidro ng Brgy. Onica.

Ito ay matapos nilang maitanim sa kanilang mga lugar ang abot sa apat na raang mga punongkahoy.

Ang positibong epekto ng nasabing programa ay unti-unti ng nararamdaman ngayon ng mga residente ng lungsod, tulad na lamang ng mabagal na pagtaas ng lebel ng tubig sa mga sapa tuwing malakas ang buhos ng ulan.

Umaasa ang LGU-Kidapawan City na mas marami pang mga GKK ang makikiisa sa Canopy ’25.##(Ryzyl M. Villote | City Information Office)

Read More
pqa

KIDAPAWAN CITY PINARANGALAN NG DTI, REGIONAL DIRECTOR PERSONAL NA DUMALAW SA LUNGSOD

Kidapawan City- (March 24, 2025) Pinatunayan ng Kidapawan City na dahil sa mga programa at proyekto nitong ipinatutupad, patuloy na umuunlad ang lungsod.

Ilan sa mga naging bunga nito ay ang Philippine Quality Award mula sa Department of Trade and Industry na iginawad sa City Health Office at Kidapawan City Hospital.

Sa mensahe ni Regional Director Flora Politud-Gabunales sa pagdalo nito sa Monday Convocation nitong March 24, 2025, hinangaan nito ang pamamalakad ng Lokal na Pamahalaan sa lungsod, kaya naman naniniwala siyang mas maraming parangal pa ang maaaring matanggap nito.

Bukod pa rito saludo rin si RD Gabunales sa hakbang ng City LGU, na ginagawang prayoridad ang maayos at malusog na pangangatawan ng lahat ng mga Kidapaweños.

Dagdag pa niya ang tagumpay ng mga ahensya at tanggapan sa ilalim ng Kidapawan City LGU ay resulta ng pagtutulungan ng mga Opisyales, mga kawani nito at ng mga mamamayan. ##(Ryzyl M. Villote| City Information Office)

Read More
kas

SEREMONYA NG KASAL, MULING ISINAGAWA NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG KIDAPAWAN

Kidapawan City- (March 20,2025) Limang mga pares ang muling pinatunayan ang kanilang pagmamahalan sa harap ng kanilang pamilya at ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan.

Ito ay ng pinili nila na pagtibayin ang kanilang pagsasama sa pamamagitan ng seremonya ng kasal, na isinagawa ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa Convention Hall nitong Huwebes ng hapon, March 20.

Isa sa magandang pondasyon ng matibay na pamilya ay ang gawing legal ang lahat, lalo na ang pagsasama sa loob ng tahanan.

Kaya naman isa sa programang pinaglalaanan ng panahon ng LGU-Kidapawan ang Kasalan ng Bayan, para sa lahat ng mga Kidapaweños na nais magpakasal.

Sa ganitong paraan bukod sa banal na seremonya, makakatanggap rin ng libreng legal na dokumento, wedding bouquet, gayundin ang simpleng set up na may wedding singers ang mga ikakasal.

Dagdag pa ang simpleng mga regalo na buong pusong handog rin ng City LGU.##(Ryzyl M. Villote/ City Information Office)

Read More
resolusyon

RESOLUSYON NG PAGSUPORTA SA KAHILINGAN NG MGA MAMAMAYAN NA MAPAUWI SA BANSA SI FPRRD, IPINASA NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG KIDAPAWAN

Kidapawan City- (March 21, 2025) Mahigit isang linggo ng nakaditene sa International Criminal Court o ICC sa The Hauge, Netherlands ang dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kasunod nito ay ang malawakang prayer rally, motorcade at mga kahalintulad pang mga aktibidad ang isinagawa sa ibat-ibang bahagi ng bansa maging sa Kidapawan City upang punahin ang pagkadakip sa dating Opisyal at para na rin ipanalangin na makauwi ito sa Pilipinas.

Ito ang nagtulak kay City Councilor Aljo Cris Dizon na isumite ang Proposed Resolution No. 102 na nagsasaad ng panawagan para kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na gumawa ng hakbang para mapauwi ang dating pangulo sa bansa.

Sinang-ayonan naman ito ng buong Sangguniang Panlungsod sa kanilang isinagawang Regular Session kahapon, March 20, 2025.

Matatandaang nagbahagi rin ng kanyang sentimento si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa nasabing usapin, lalo pa at naging malaki ang epekto nito sa bansa. ##(Ryzyl M. Villote/ City Information Office)

Read More
anti rabies

LIBRENG VETERINARY SERVICES, ISINAGAWA SA BRGY. POBLACION

KIDAPAWAN CITY -(March 21, 2025) Bilang bahagi ng Rabies Awareness Month, isinagawa ng Office of the City Veterinary o OCVET ang iba’t ibang mga veterinary services ngayong araw ng Biyernes, March 21 sa City Pavilion.

Sa pangunguna ni City Veterinarian Dr. Eugene B. Gornez ay ibinahagi nila ang mga libreng serbisyo ngayong araw sa mga taga Brgy. Poblacion gaya na lamang ng castration, free consultation, medication, pagbibigay ng mga bitamina, at ang massive vaccination.

Aabot sa 1,357 na mga aso at 479 pusa na may kabuuang 1,831 ang libreng nabakunahan ng anti-rabies vaccine. Samantala, nasa 50 aso at 76 pusa ang sumailalim sa castration o pagkakapon. 96 na aso at 25 na puso ang na dewormed. Nabigyan naman ng vitamin supplementation ang 88 na aso at 25 na pusa.

Ang naturang aktibidad ay di lang naglalayong mapigilan ang pagkalat ng rabies virus kundi pati na rin ang pagbibigay kaalaman sa mga furparents sa pagpapabuti ng kalusugan ng kanilang mga alaga.##(Djallyca Ganancial Ι City Information Office)

Read More
bata

KABATAANG KIDAPAWEÑO NA HUMAKOT NG PARANGAL SA IBA’T-IBANG LARANGAN, KINILALA NG LGU-KIDAPAWAN

Kidapawan City- (March 19, 2025) Kahanga-hanga ang galing ng ilang mga kabataang Kidapaweños na namayagpag sa iba’t-ibang kompetisyon sa larangan ng mga Asignatura at Sining.

Tulad na lamang ng isinagawang International Champions in Education (ICE) Future Intelligence Students Olympiad sa UP-Diliman, Quezon City, Philippines.

Kaya naman bilang pagbibigay halaga sa kanilang tagumpay at galing, kinilala at pinarangalan sila ng Lokal na Pamahalaan kasabay ng Convocation Program nito.

Ang pagkilala sa mga mag-aaral na nananalo sa mga kompetisyon ay isinasagawa ng City LGU, upang maramdaman nila na mahalaga ang bawat panalong nakakamit nila hindi lamang para sa kanilang sarili ngunit para na rin sa lungsod.

Iniabot ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama ang mga City Councilors ang Sertipiko sa mga nagwaging mag-aaral.##(Ryzyl M. Villote/ City Information Office)

Read More
ground1

GROUNDBREAKING CEREMONY PARA SA LAND DEVELOPMENT NG CITY LGU MATAGUMPAY NA NAISAGAWA SA BARANGAY PACO

KIDAPAWAN CITY-(March 19, 2025) Matagumpay na naisagawa ngayong March 19, ang Groundbreaking Ceremony para sa Land Development ng Kidapawan City Housing Resettlement VI sa Sitio Calaocan, Brgy. Paco.

Ang Lokal na Pamahalaan kasama ang National Housing Authority Region 12 (NHA) ang nasa likod sa matagumpay na pagpapatupad ng proyektong ito. Nakatalaga ang Lokal na Pamahalaan sa Land Development habang ang NHA naman ang magtatayo ng mga housing units.

Ang nabanggit na proyekto ay may kabuuang land area na 45,000 sq.m. Inaasahang pag natapos na ang land development ay ibibigay na ng NHA bilang partner ng LGU ang housing components, para sa first batch, may 134 permanent units at magkakaroon pa ng second batch para sa mga kwalepikadong benepisyaryo

Dinaluhan naman ang nasabing groundbreaking ceremony nina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, City Vice Mayor Melvin E. Lamata, Jr., mga City Councilors, Barangay Paco Officials sa pangunguna ni Kapitan Edgarlito Elardo, at mga kawani ng National Housing Authority (NHA).##(Djallyca Ganancial Ι City Information Office)

Read More
kidaps kalasuyan

𝐊𝐃𝐀𝐏𝐒 NG CITY LGU MAS PINALAKAS AT PINALAWAK SA TAONG 2025.

KIDAPAWAN CITY – (March 11, 2025) Kasabay sa pagdiriwang ng Anibersaryo ng Barangay Kalasuyan ngayong araw na ito isinagawa ang kauna-unahang Kabaranggayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo o KDAPS activity sa taong kasalukuyan.

Pinamunuan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista at City Vice Mayor Melvin Lamata Jr. kasama ang mga ilang mga City Officials ang programa upang maihatid at mailapit

ang serbisyo, proyekto at mga benepisyong ibinibigay ng City Government sa mga mamamayan sa lahat ng barangay sa lungsod.

Nagbibigay ng libreng serbisyo ang iba’t-ibang mga tanggapan at departamento ng City Government pati na mga partner Agencies nito sa mamamayan sa ilalim ng KDAPS.

Tinatayang nasa 927 ang bilang nga mga residente na nabigyan ng serbisyo kanina.

Nagsagawa rin ng iba’t ibang larong pinoy, tulad ng Sock Race, Tubang Preso, BasketBall, Zumba at Sinulid na ipasok sa karayom.

Maliban sa Barangay Kalasuyan, nakatakdang isagawa rin ang KDAPS sa iba pang mga barangay sa susunod na mga araw.## (Leo Umban Ι City Information Office)

Read More
PHOTO1

KIDAPAWAN LOCAL SPORTS TOURISM: VOLLEYBALL TOURNAMENT WINNERS, KINILALA NG CITY GOVERNMENT ANG PAGKAPANALO

KIDAPAWAN CITY – (March 10, 2025) Kinilala ng Lokal na Pamahalaan ngayong araw ng Lunes, March 10 ang pagkapanalo ng mga balibolistang Kidapaweños sa ginanap na Kidapawan Local Sports Tourism: Volleyball Tournament.

Ang nasabing tournament ay hinati sa apat na kategorya. Inter-School (Women), Inter-School (Men), Open Kidapawan Men’s Category, at Inter-Agency (Women).

Tumanggap naman ang mga nanalo at runner-ups sa kategoryang Inter-School ng trophy at sports equipment. Samantala, ang Open Category at Inter-Agency naman ay tumanggap ng Trophy at Cash Prize.

Kasama naman sa nagbigay kilala sa mga balibolista sina City Vice Mayor Melvin E. Lamata, Jr. at City Councilors Mike Ablang, Jason Roy Sibug at Carlo Agamon.##(Djallyca Ganancial ׀ City Information Office)

Read More