Category: News

ds

CITY EMPLOYEES SEMINAR WORKSHOP, MULING ISINAGAWA NG LGU-KIDAPAWAN

Kidapawan City- (June 18, 2025) Sa pangunguna ng City Human Resource Management Office ay matagumpay na naisagawa ang 2-day City Employees Seminar Workshop sa Kidapawan City Convention Hall.

Nagsimula kahapon June 17 at nagtapos naman kanina ang nasabing pagsasanay na nagsisilbing refresher course para sa mga partisipante, kung paano maging mas epektibong Lingkod Bayan.

Sa paraang ito, ay nagkakaroon rin ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan na ipaabot sa CHRMO at mga partner agencies ang kanilang mga katanungan at mga kinakailangan nilang mga impormasyon habang sila ay nanunungkulan sa Gobyerno, aasahan naman na matutugunan rin ang kanilang mga isasangguni.

Nagsilbing Resource Person ng pagsasanay sina Civil Service North Cotabato Director Glenda Foronda- Lasaga, Marketing Supervisor Ms. Juliet Bugas mula sa Pag-ibig Office, BCRD Cheif Andres Olegario mula sa GSIS Kidapawan at mga Analyst mula sa tanggapan ng Social Security Services na sina Charles Jordan Costales, Glenn Movilla at James Lloyd Argame.

Aasahan naman na sa susunod na Linggo, ay may mga kasunod pang batches ng mga empleyado ang sasailalim rin sa parehong training.##(Ryzyl M. Villote| City Information Office)

Read More
child

CHILD DEVELOPMENT WORKERS WEEK CELEBRATION, GINUNITA SA LUNGSOD NG KIDAPAWAN

Kidapawan City – (June 19, 2025) Ginunita ang 2025 Child Development Workers Week Celebration ngayong araw ng Huwebes, June 19 sa FCG Convention Center, Kidapawan City sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development at sa tulong na rin ng Kidapawan City Social Welfare and Development.

Ang nasabing aktibidad ay may temang “Child Development Workers sa Bagong Pilipinas, Mapagkalinga, Makabayan at Makabata” na dinaluhan ng mga Child Development Workers o CDW sa region 12.

Ang mga partisepante ay mga taga South Cotabato & Koronadal City, Sultan Kudarat & Tacurong City, Sarangani, Cotabato, General Santos City, at Kidapawan City.

Dumalo naman at nakiisa sina SWO III/CBSS Head Norania S. Sarip, SWO IV/PSD Chief Nanig C. Sanoy, at FCDW-R12 President Rovic P. Plantig. Nagsilbi namang spokesperson si RCWC XII Coordinator Lei Ann Mae C. Silva kung saan tinalakay nito ang patungkol sa Child Protection Related Laws

Ayon naman kay SWO IV/PSD Chief Nanig C. Sanoy na ang mga CDW ay nagbibigay pagkakataon sa mga bata na mapahusay ang pag-unlad ng kanilang mga sensor motors.## (Djallyca Ganancial/ City Information Office)

Read More
tara

MOA SIGNING SA PAGITAN NG DSWD 12, LOCAL PARTNERS AT NG LOKAL NA PAMAHALAAN, ISINAGAWA PARA SA TARA, BASA! TUTORING PROGRAM

Kidapawan City- (April 21, 2025) Pormal ng nilagdaan ngayong araw ng Lunes, April 21, 2025 ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing for Technology Transfer sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng City LGU.

Kasabay din nito ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing for Local Partners sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan, Department of Education, Kidapawan City Division at University of Southern Mindanao-Kidapawan City Campus (USM-KCC).

Ang naturang kaganapan ay isang makasaysayang pangyayari sapagkat ang Kidapawan City ang kauna-unahang lokal na pamahalaan sa buong bansa na nakapag-localize ng Tara, Basa! Tutoring Program na pinondohan ng City LGU.

Personal namang dinaluhan ang MOA Signing nina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista at CSWDO Daisy Gaviola, kasama ang Tara, Basa! Tutoring Program National Program Management Office (TBTP NPMO) Deputy Program Manager Tara, Basa! Tutoring Program Elma Solis-Salamat, Division Chief-Program Implementation Division Sittie Maisah Hadji Monaom, Division Chief-Digitalization and Strategic Communications Kristiane L. Romero, Project Development Officer Cosain M. Taurak, Social Welfare Officer Nerissa Marie R. Elmido.

Kabilang ding dumalo sina Regional Director Loreto Jr. V. Cabaya, Division Chief Innovation Division Ryan D. Balanza, Regional Program Head Melfe O. Ampoloquio, Dr. Jonals Pimentel ng USM-Main Campus, Dr. Ronielyn Pinsoy ng USM-KCC, at School Division Superintendent Miguel P. Fillalan Jr.

Patunay lamang ito na nagpapakita ng matibay na suporta ang lokal na pamahalaan sa larangan ng edukasyon para sa patuloy na pag-unlad ng mga kabataan, hindi lamang sa kanilang kasalukuyang pag-aaral kundi maging sa kanilang kinabukasan.

Read More
batang

BATANG KIDAPAWEÑO, NAMAYAGPAG SA PAMBANSANG TAGISAN NG TALINO

KIDAPAWAN CITY (April 21, 2025) – Nagpakitang gilas sa tagisan ng talino ang isang batang Kidapaweño sa ginanap na Philippine International Math and Science Olympics o PIMSO na ginanap nitong nakaraang April 4-7 sa lungsod ng Maynila.

Iniuwi ni Athena Felicity Jubillan – estudyante ng ABC Educational Development Center ang Ginto at 1st Runner Up ng PIMSO 2024-2025 Final Round Primary 3 Science Category.

Kinilala naman ng City Government ang karangalang dala ng batang estudyante na nagsilbing kinatawan ng lungsod sa nabanggit na kompetisyon.

Malaki ang tuwa ng mga magulang, gayundin ng Lokal na Pamahalaan sa natamasa ni Athena dahil patunay lamang ito sa galing at talinong angkin ng mga kabataan ng Kidapawan.##(Vonkluck Herrera

Read More
gkk

GKK SR. STO NIÑO, NAKIISA SA CANOPY 25

KIDAPAWAN CITY (April 21, 2025) – Kasabay ng Monday Convocation Program ng City Government ay kinilala ang Gagmayng Kristohanong Katilingban o GKK Sr. Sto. Niño ng Barangay Birada, matapos makapagtanim ito ng abot sa isang daan at pitumpu’t anim (76) na mga seedlings.

Dahil sa pakikibahagi nito sa layunin ng Lokal na Pamahalaan na pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punong kahoy ay pinarangalan ito at ginantimpalaan ng cash incentive upang mapaayos at mapaganda ang kanilang kapilya at iba pang pangangailangan ng simbahan.

Samantala, patuloy naman sa paghikayat ang City Government sa publiko na makibahagi sa adbokasiyang ito ng Lokal na Pamahalaan, hindi lamang para sa kasalukuyan, kundi lalo na para sa susunod na henerasyon.

Read More
batang-kida

TAGUMPAY NG BATANG KIDAPAWEÑO SA OCEANMAN OPENWATER COMPETITION, IPINAGMAMALAKI NG KIDAPAWAN CITY-LGU

Kidapawan City- (April 21, 2025) Kinilala ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan ang galing ni Abe Christopher Madrid mula Kidapawan City National High School matapos itong manalo sa 1st Oceanman Openwater Swimming Competition sa Siargao, General Luna, Surigao del Norte.

Ginanap ito noong April 4-6, 2025 sa nasabing lugar. Kung saan nakatunggali ni Madrid ang ilang sikat na personahe at naging kampeon na sa larangan ng Swimming.

Nasungkit ng batang atleta ang 2nd place sa Junior Category para sa mga 14 to 19 yrs old, 5KM finisher medal at ang tropeo bilang 3rd placer sa 5KM para sa overall results.

Lalaban bilang Philippine Qualifier for Oceanman International Open Water Swimming Competition si Madrid, sa darating na Disyembre ngayong taon na gaganapin naman sa City of Dubai, United Arab Emirates.

Ipinagmamalaki ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan, na namamayagpag na sa iba’t-ibang Sports Competition ang mga kabataan mula sa lungsod dala at bitbit ang kanilang pagiging Kidapaweño.

Read More
moas

MOA UPANG PALAKASIN ANG YOUTH SAVERS PROGRAM, NILAGDAAN SA PAGITAN NG CITY LGU, DEPED AT MGA KOOPERATIBA

Kidapawan City- (April 8,2025) Sa layuning mapalakas at mapalaki ang kamalayan ng mga kabataang Kidapaweño sa usaping savings at Kooperatiba,nilagdaan kahapon ang Memorandum Of Agreement sa pagitan ng City LGU, DepEd at mga Kooperatiba.

Sa pahayag ni Acting City Cooperatives Officer Myla Gundran, sinabi niya na malaki ang positibong epekto nito sa kumonidad at magandang hakbangin rin ito na makakatulong sa mga kabataang mag-aaral sa lungsod dahil sa magkaroon sila ng savings o ipon.

Dagdag pa niya na pag umabot na sa legal na edad o 18 years old ang mga Student savers, pwede na silang maging regular members ng mga kooperatiba, habang pinupunan ang generation gap na may long term financial inclusion at sustainability.

Ayon din kay City Schools Division Superintendent Miguel P. Fillalan Jr. isang makasaysayang hakbang ang MOA Signing para sa kabataang Kidapaweño.

Layunin ng programang ito na itaguyod ang kaalaman sa Financial Literacy at Culture Savings sa mga kabataan tungo sa mas maliwanag at responsable nilang kinabukasan, dahil natututo na silang pahalagahan ang kanilang pera.

Read More
BOTANTE

MAHIGIT 96 NA LIBONG BOTANTE NG LUNGSOD NAKAHANDA NA SA MAY 12 NATIONAL AND LOCAL MID- TERM ELECTION

KIDAPAWAN CITY – ( March 31, 2025) 96,335 ang opisyal na bilang ng mga botante sa lungsod na nakahanda ng bumoto para sa May 12, 2025 National and Local Mid Term Elections base sa tala ng City Commission on Elections.

Nadagdagan nito ang mahigit sa 91 thousand na botante noong 2022 Elections.

May 128 naman na bilang ng mga presinto sa apatnapung mga barangay sa Kidapawan City.

Kapwa may dalawang kumakandidatong City Mayor at City Vice Mayor samantalang may 26 naman na mga konsehal.

Kaugnay nito ay matiwasay naman sa kabuoan ang pagsisimula ng campaign period sa lungsod, ayon pa sa Comelec.##(cio/lkro)

Read More
487169428_1095575445918184_6196384224005330554_n

MGA GINTO AT PILAK NA MEDALYA, INIUWI NG MGA BATANG KICKBOXING ATHLETE SA LUNGSOD

KIDAPAWAN CITY (March 31, 2025) – Bilang bahagi ng paggunita sa ika-88 na Araw ng Dabaw 2025 ay isinagawa ang Kickboxing Championship noong nakaraang March 22, 2025 sa Davao City kung saan nagpakitang gilas ang mga batang atletang tubong Kidapawan City.

Nag-uwi ng gintong medalya sina Gian Kirby Manginsawan at si Samir Bagundang. Habang nag-uwi naman ng medalyang pilak sina Leonard James Godito, John Paul Bonilla, Jay Ar Balimbingan sa, Jang Brendz Denila, at si Zenoe Angelo Broces.

Kasabay ng Convocation Program ng City Government ay pinarangalan ang mga nabanggit na mga atleta.

Pasasalamat naman ang ipinaabot ng City Government of Kidapawan sa dedikasyon at pagsisikap ng nga manlalaro, lalo na ng kanilang mga coach na sina Ritchies P. Solano at Christian Jay B. Boquiren

Inaasahan naman na mas madami pa ang mahikayat na lumahok sa isports at maisulong ang malusog na kaisipan at pangangatwan sa mga kabataan sa lungsod.##(Vonkluck Herrera | City Information Office)

Read More
outgoing

OUTGOING KIDAPAWAN CITY PNP-COP PLTCOL DOMINADOR PALGAN JR., PINARANGALAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN

Kidapawan City- (March 31, 2024) Kinilala ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan ang sakripisyo at pagsisikap ni Outgoing Police Town Chief LtCol Dominador Palgan Jr., para sa mga Kidapaweños.

Sa isinagawang Monday Convocation Program ng City LGU ngayong araw March 31, 2025, iginawad nito ang sertipiko ng Komendasyon sa Opisyal matapos ang paglilingkod nito bilang Hepe ng Kidapawan City PNP sa loob ng isang taon at walong buwan.

Sa mensahe ni Ltcol. Palgan, sinabi nitong malaki ang kanyang pasasalamat sa mga mamamayan ng lungsod sa pakikiisa sa kanilang hanay para manatiling ligtas at matiwasay ang pamumuhay ng lahat.

Ayon kay City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, si LtCol. Palgan ay isa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya pagdating sa pagbabantay ng lungsod gayundin sa kaligtasan ng nakararami.

Kaya naman inilarawan niya rin ito na isa sa “Best COP” na nadestino sa lungsod.##(Ryzyl M. Villote | City Information Office)

Read More