Category: News

on-timed

ON TIME BIRTH REGISTRATION AT IBA PANG CIVIL REGISTRY DOCUMENTS LIBRE NA NG CITY GOVERNMENT

KIDAPAWAN CITY – (June 30, 2025) LIBRE na ang ON TIME na pagpaparehistro sa City Civil Registrar’s Office ng Lokal na Pamahalaan.

Ibig sabihin, libre ang pagbibigay ng Birth Certificate 30 araw mula kapanganakan, Certificate of Death 30 araw mula sa pagkamatay, at Certificate of Marriage sa loob ng 15 araw matapos ang kasal.

Libre na rin ang registration ng mga wala pang birth certificate hanggang sa kasalukuyan sa ilalim ng Birth Registration Assistance Program o BRAP katuwang ang Philippine Statistics Authority o PSA.

Inanunsyo ito ng CCR Office sa Flag Raising Ceremony at Convocation Program ng City Government umaga ng June 30.

Paraan ito ni City Mayor Atty. Paolo Evangelista na gawing rehistrado ang lahat ng mamamayan sa lungsod, wika pa ng CCR.

May bago na ring City Civil Registrar ang lungsod sa katauhan ni Atty. Christoper Cabelin na umupo na nitong kalagitnaan ng buwan ng Hunyo.##(Lloyd Kenzo Oasay/City Information Office)

Read More
highly

KIDAPAWAN CITY, KINILALANG HIGHLY FUNCTIONAL SA LCAT-VAWC ASSESSMENT NG DILG

Kidapawan City- (June 27, 2025) Sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government Cotabato Province, Hinirang na Highly Functional Level of Functionality for PY 2024 Local Committee on Anti Trafficking and Violence Against Women and their Child ang lungsod ng Kidapawan.

Ito ay nakabase sa resulta ng Functionality Assessment of the Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) sa Probinsya ng Cotabato para sa taong 2025.

Batayan nito ang kahandaan, mga programa, sistema at hakbang na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan at mga ahensyang kaisa nito, sa pangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan gayundin ang paglaban sa Human Trafficking.

Kinikilala ng nasabing ahensya ang patuloy na pagsisikap ng bawat Opisyales, at mga kabahagi nito upang maging posible ang lahat ng ito.

Read More
looo

DALAWANG BARANGAY SA LUNGSOD, NABIYAYAAN NG INFRASTRUCTURE PROJECTS MULA SA CITY GOVERNMENT

KIDAPAWAN CITY (June 7, 2025) – Isinagawa ang blessing at turn-over ceremony para sa dalawang infrastructure projects sa dalawang Barangay ng Kidapawan na may kabuoang halaga na humigit-kumulang P6M nitong araw ng Biyernes.

Pinangunahan ni Fr. Gerardo “Jerry” Tacdoro, DCK ang blessing sa tatlong road infrastructure project na kinabibilangan ng 81 metrong Road Concreting and RCPC Installation Project sa Purok 4, Sitio Sayaban at 46.50 metrong Road Concreting Project sa Purok 1B, Student Access Road Old Base Camp ng Brgy. Ilomavis, at 351 metrong Road Concreting with Open Canal and RCPC Installation Project ang itinurn-over sa Sitio Lumot Junction patungong Purok Madasigon Centro ng Brgy. Balabag.

Samantala, binigyang diin naman ni Mayor Pao na ang mga nabanggit na proyekto ay pinagmamay-ari ng publiko mula sa pondong ipinagkatiwala nila sa gobyerno, kaya at marapat lamang na ito ay kanilang ingatan at pangalagaan para sa ikagiginhawa ng kanilang komunidad.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente sa lugar dahil sa katiwasayang hatid ng proyekto, lalo na sa mga motorista. Dahil maliban sa mas mapapadali na ang paglabas-pasok ng mga sasakyan at produkto sa lugar ay kasabay nito ang pag-unlad ng kanilang ekonomiya at turismo.

Read More
lanao

ROYEKTONG KONTRA BAHA AT LUBAK, ISASAGAWA SA BARANGAY LANAO

Kidapawan City-(June 24, 2025) Isang one barrel and Slope Protection Project ang isasagawa sa Brgy. Lanao, Kidapawan City na sinimulan na sa pamamagitan ng Groundbreaking ceremony kanina, June 24.

Ito ay katuparan sa matagal ng hinihintay na solusyon ng mga residente ng Barangay, sa pagbaha at pagkasira ng mga daanan sa Purok 6.

Kaya naman buong pusong pagpapasalamat ang naging mensahe ng mga taga barangay Lanao, sa pangunguna ni Brgy. Chairperson Ricardo Ceballos sa programa.

Naroon rin ang mga residenteng pangunahing magiging benepisyaryo nito, lalo pa sa mga motoristang araw-araw na tinatahak ang nasabing daan.

Masaya ring ibinihagi ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na marami pang kahalintulad na programa ang isasagawa sa Brgy., at sa lahat ng mga barangay sa lungsod.

Bahagi ito ng layunin ng Lokal na Pamahalaan na maisaayos ang lahat ng mga daan sa lungsod, para maging ligtas at mapaunlad ang buhay ng mga Kidapaweños.

Read More
4m

4M NA HALAGA NG PROYEKTONG IMPRASTRAKTURA, IPAPATUPAD NG LGU KIDAPAWAN SA BRGY. SIKITAN

Kidapawan City- (June 24,2025) Nasa mahigit 4 million na halaga ng box culvert at slope protection, ang ipapatupad ng Lokal na Pamahalaan sa Purok 1 Brgy. Sikitan, Kidapawan City.

Ito ay matapos isinagawa ang ground breaking ceremony ng two barrel box culvert, slope protection, open canal at PCCP sa nasabing lugar ngayong araw ng Martes, June 24, 2025.

Pinangunahan ang groundbreaking nina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista at City Vice Mayor Melvin E. Lamata Jr. kasama ang mga City Councilors, Brgy. Kapitan Ernie Bañados at mga kasamahan nito sa Barangay.

Ang proyektong ito ay malaking ginhawa hindi lamang sa mga residente ng nasabing barangay kundi pati rin ng mga kalapit sitio nito kung saan ito ay nagsisilbing daan para sa kanila.

Read More
turn

GROUNDBREAKING AT TURNOVER CEREMONY, ISINAGAWA SA BRGY. SAN ROQUE, KIDAPAWAN CITY

Kidapawan City- (June 24, 2025) Isinagawa ngayong araw ng Martes ang makabuluhang groundbreaking ceremony ng construction of box culvert sa Purok 4, Brgy. San Roque na two barrel box culvert, slope protection at PCCP.

Kasabay din nito ang turnover ceremony ng road concreting project sa parehong purok na RCPC Installation, Open Canal, at Slope Protection Construction.

Taos-pusong pasasalamat at labis na tuwa ang naramdaman ng mga residente at ni Brgy. Kapitan Simplicia Calvo sa proyektong ito ng Lokal na Pamahalaan, dahil sa wakas ay naisasakatuparan na rin ang matagal na nilang hinihintay.

Dinaluhan ang nabanggit na groundbreaking ceremony nina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista at City Vice Mayor Melvin E. Lamata Jr. kasama ang mga City Councilors na sina Mike Ablang, Aljon Cris Dizon, Galen Ray Lonzaga, Carlo Agamon at Jason Roy Sibug kasama ang ilang mga Opisyales mula sa Barangay.

Ang proyektong ito ay patunay ng malasakit ng Lokal na Pamahalaan sa pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan sa Lungsod.

Read More
Mkwd-post

METRO KIDAPAWAN WATER DISTRICT, MAKIKIISA SA LGU-KIDAPAWAN NA PANGALAGAAN ANG MGA BUBUYOG

Kidapawan City- (June 23,2025) Matapos sumailalim sa pagsasanay kasama ang HUBAK Association at Kidapawan City Agriculture, ay handa na ang mga kawani ng Metro Kidapawan Water District na makiisa sa kampanya ng pangangalaga ng mga bubuyog sa lungsod.

Apat na mga stingless bee colonies ang personal na naiturn-over ng LGU-Kidapawan, sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa nabanggit na tanggapan.

Pangungunahan ng Roots and Shoots Club ang pangangalaga ng mga bee colony matapos nila itong matanggap, kasabay ng isinagawang Turn-Over Ceremony sa Mayors Office, umaga nitong Lunes June 23, 2025.

Ang kampanyang ito ng Lokal na Pamahalaan na pangangalaga sa mga bubuyog, ay isa lamang sa mga programa ng City LGU na pumoprotekta at nagpapakita ng pagmamahal sa kalikasan at sa mga naninirahan rito.

Read More
d

KIDAPAWAN CITY NURTURE HUB, MAINIT NA TINANGGAP ANG MGA SECOND BATCH ENROLLEES

Kidapawan City- (June 17,2025) Mainit na tinanggap ng Kidapawan City Nurture Hub ang second batch enrollees ng Occupational Therapy Services na nagsimula nito lamang araw ng Huwebes, June 12, 2025.

Nasa tatlumpu’t anim (36) na mga kliyente sa pangkalahatan ang nakatala sa Cycle 2. Anim na bata tuwing Martes at Biyernes, labindalawang mga bata naman tuwing araw ng Miyerkules at Huwebes.

Aasahan naman na magtatapos ang cycle 2 sa huling linggo ng Hulyo. May kabuuang walong sessions naman bawat bata, kung saan isang session kada linggo ang matatanggap nila.

Ang hakbang na ito ay isinasagawa upang mapalusog ang kaisipan at personal na pag-unlad. Sa layuning masiguro na ang bawat bata ay nabibigyan ng tamang gabay at sapat na panahon para mapagyaman ang kanilang motor skills, sensory integration, self-care routines maging ang kanilang daily functional abilities. ## (Djallyca Ganancial | City Information Office)

Read More
bark

STEEL BARRICADE, SINIMULAN NG IPAMAHAGI SA MGA PAARALAN SA KIDAPAWAN CITY

Kidapawan City- (June 17, 2025) Bago pa man ang pagbubukas ng klase kahapon, ay naipamahagi na sa mga paaaralan sa Kidapawan City ang mga Steel Barricade na ilalagay sa harap ng eskwelahan.

Tiniyak ng Traffic Management and Enforcement Unit na magiging ligtas, para sa mga mag-aaral ang kanilang pagbabalik sa kani-kanilang mga paaralan. Kaya agad nilang isinagawa ang distribusyon nito.

Paalala ng TMEU sa mga motorista, maging mapagmatyag at maingat lalo na sa mga School Zone kung saan maraming bata ang nasa paligid, at upang makaiwas na rin sa aksidente.

Dagdag pa ng tanggapan na maaring lumapit sa kanila o sumulat kung mayroon pang nangangailangan ng steel barricade sa kanilang mga lugar.

Sa proyektong ito ng Lokal na Pamahalaan, mas magiging panatag ang mga magulang habang nasa paaralan ang kanilang mga anak at sa tuwing kinakailangan tumawid ng mga bata sa kalsada.##(Ryzyl M. Villote| City Information Office)

Read More
feeds

CITY GOVERNMENT NAGPAABOT NG TULONG SA MGA HOG RAISERS NA APEKTADO NG ASF

KIDAPAWAN CITY -(June 18, 2025) Limampu at pitong mga nag-aalaga ng baboy na apektado ng African Swine Fever o ASF ang nabigyan ng tulong ng City Government.

Ito ay sa pamamagitan ng Feed Loan program kung saan ay kalahati lang ng kabuoang halaga ng feeds ang kanilang babayaran.

Paraan ito ng City Government sa ilalim ng ASF Recovery Program na tulungang makabangon ang mga magbababoy na nawalan ng kabuhayan matapos magkasakit ang kanilang mga baboy.

Abot sa limapung kilo ng feeds ang natanggap ng beneficiary depende na rin sa dami ng kanyang mga alaga.

Pinangasiwaan ng Office of the City Veterinarian at Office of the City Mayor ang naturang aktibidad na ginanap nitong June 17 sa tanggapan ng OCVET.##(Lloyd Kenzo Oasay/City Information Office)

Read More