Category: News

jun

MGA KABATAANG KIDAPAWEÑO NA NAGNANAIS MAGING JUNIOR CITY AT JUNIOR BARANGAY OFFICIALS, SUMAILALIM SA SCREENING

Kidapawan City-(August 8,2025) BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025, ay isinagawa ang pagpili sa mga kabataang Kidapaweñong nais maging bahagi ng Junior City at Barangay Officials 2025 ngayong araw (August 8, 2025) sa City Mayor’s Conference Room.

Layunin nitong mapalakas ang partisipasyon ng mga kabataan sa komunidad at mabigyang pagkakataon ang mga ito na maipakita ang kanilang taglay na potensyal.

Ang mga mapipiling kabataan ay magsisilbi ng isang linggo kung saan sila ay gagawa ng mga tungkuling kaugnay sa kanilang mga posisyon.

Kabilang sa mga posisyong ito ay ang mga sumusunod: City Junior Mayor, City Junior Vice Mayor, City Junior Councilors, City Junior SK Federation President, City Junior Liga ng mga Barangay President, Secretary to the Sanggunian, at City Junior Department Heads.

Sa pagtatapos ng isang linggo, inaasahang mahuhubog ang kahandaan at kaalaman ng mga kabataan sa pagiging lider.##(Djallyca Ganancial / City Information Office)

Read More
tu

LIBRENG TULI NG CITY HEALTH OFFICE, TINANGKILIK SA KDAPS 4.0

Kidapawan City-(August 8, 2025) NASA sampung mga kabataang Moro ang nakabiyaya ng libreng tuli kasabay ng isinagawang programang Kabarangayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo nitong araw ng Huwebes (August 7, 2025) sa Barangay Patadon, Kidapawan City.

Maagang pumila ang mga bata at sinamantala ang nasabing aktibidad dahil bibihira kung ito ay gagawin sa kanilang Barangay at libre pa ito.

Mga tauhan ng City Health Office ang nagsagawa ng libreng tuli at namigay ng mga libreng gamot.

Mainit man ang panahon, hindi ito inantala ng mga bata dahil ang nais ng mga ito ay tuluyan nang ‘’mabinyagan’’ sa ritwal ng pagtutuli.

Paniwala kasi ng mga batang Moro na kapag natuli na sila ay magiging buo na ang kanilang pagkatao.

Pasasalamat naman ang ipinaabot ni Patadon Barangay Chairperson Jainodin P. Isla, dahil ang serbisyo na mismo ng Lokal na Pamahalaan ang inilapit sa kanilang barangay sa halip na sila pa ang magtungo sa mismong sentro na bahagi ng lungsod.(##Leo Umban | City Information Office)

Read More
529315392_1198548788954182_6462850616345639368_n

CDRRMO NAGSAGAWA NG CLEARING OPERATIONS SA DAAN

KIDAPAWAN CITY – (August 8, 2025) SA LAYUNING panatilihing ligtas ang lahat na bumibyahe habang umuulan, nagsagawa ng clearing operations ang mga kagawad ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO sa dalawang barangay ng lungsod nitong August 6.

Pinutol at inalis ng mga CDRRMO personnel ang mga nabuwal na puno at nakahambalang sanga ng punongkahoy sa daan na natumba dala ng mga pag-ulan sa lungsod.

Mabilis ang naging pagtugon ng CDRRMO dahil na rin sa 24/7 na monitoring nito via online sa mga barangay at koordinasyon na rin ng mga opisyal ng barangay.

Pinutol at inalis ng CDRRMO ang malaking sanga ng kawayan na humarang sa daan ng Purok Granada Baliktaran Poblacion.

Inalis din ang nabuwal na puno ng goma sa daan na nag-uugnay sa Barangay Manongol at Barangay Indangan, at isa pang malaking sanga ng kawayan sa daan papuntang University of Southern Mindanao sa Barangay Manongol.

Madadaanan na ng mga motorista at pedestrians ang naturang mga daan sa kasalukuyan, ayon pa sa CDRRMO.

Katuwang ng CDRRMO ang mismong Barangay DRRMO ng mga lugar na nabanggit sa matagumpay na clearing operations. ##(Lloyd Kenzo Oasay/City Information Office)

Read More
ccr

CITY CIVIL REGISTRAR, DINAGSA SA KDAPS 4.0 SA BARANGAY PATADON

Kidapawan City-(August 7,2025) Dinayo ng mga residente ang serbisyong handog ng City Civil Registrar sa ilalim ng Kabarangayan Dad-an ug Proyekto ug Serbisyo 4.0 o KDAPS na isinagawa ngayon lamang August 7, 2025 sa Barangay Patadon.

Umabot sa mahigit kumulang 200 na mga tao ang napagsilbihan ng opisina. Karamihan ay humingi ng tulong sa pagproseso ng mga dokumentong sibil tulad ng birth certificate, marriage certificate, death certificate, at iba pang kaugnay na serbisyo.

Bilang tugon sa dami ng mga benepisyaryo, buong araw na nag-operate ang City Civil Registrar sa barangay upang matiyak na maasikaso ang lahat.

Patunay ito ng pangako ng City Government na magiging madali na para sa mga Kidapaweños ang pagkuha ng Sertipiko ng Pagkakakilanlan, lalo na sa mga malalayong barangay

Naging matagumpay ang naisagawang programa sa nasabing barangay, sa kabuuan umabot sa 1,765 na mga residente ang nabigyan ng libreng serbisyo at lubos na nagpapasalamat rito.##(Djallyca Ganancial/City Information Office)

Read More
TIMBANGAN

SORPRESANG INSPEKSIYON SA MGA TIMBANGAN SA MEGA MARKET IPINATUPAD. MGA DEPEKTIBONG TIMBANGAN, KINUMPISKA

Kidapawan City-(August 7, 2025) Masusing sinuri ang mga timbangan sa Mega Market kahapon, August 6, 2025 para masiguro ang patas at tama na timbang ng mga produktong ibinebenta sa mga Kidapaweño.

Sa isinagawang inspeksyon ng mga tauhan ng Economic Enterprise Management Office o EEMO, natuklasan na ilang mga timbangan ang expired ang lisensya kaya agad itong kinumpiska.

Alinsunod sa patakaran, kinakailangan nilang magbayad ng P95.00 pesos para sa renewal ng kanilang timbangan na magtatagal sa loob ng isang taon.

Ang taonang gawain na ito ay para sa kapakanan ng mga mamimili na matiyak na tama ang timbang ng mga produktong binibili sa merkado publiko ng Kidapawan.##(Djallyca Ganancial/City Information Office)

Read More
live

KIDAPAWAN CITY GAGAWING PILOT AREA NG PINAPLANONG LIVELIHOOD PROGRAM PARA SA SENIOR CITIZENS

KIDAPAWAN CITY – (August 7, 2025) KAHIT MATATANDA, pwede pa ring maging produktibo at umunlad pa sa buhay.

Ito ang nais makamit ng minimithing Livelihood Assistance Program ng National Commission of Senior Citizens o NCSC matapos ang matagumpay na Round Table Discussion of Inter Agency Collaboration for the Pilot Community-Based Non-Formal Program for Senior Citizens.

Pinag usapan ng NCSC, City Government of Kidapawan, at iba pang mga stakeholder’s kung anong klase ng programang pangkabuhayan ang ibibigay na tulong sa mga nakakatanda.

Sa pamamagitan ng programa, tuturuan ang mga senior citizens ng ibat-ibang skills development training at magpatakbo ng maliliit na negosyo.

Nais ng NCSC na unang ipatutupad ang naturang programa sa Kidapawan City, ani pa ni NCSC Chairperson Dr. Mary Jean Loreche na siyang Panauhing Pandangal sa aktibidad.

Katuwang ng NCSC sa pinaplanong programang pangkabuhayan para sa mga Senior Citizens ang Technical Education and Development Authority, Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry, Department of Agriculture, at ang City Government of Kidapawan.##(Lloyd Kenzo Oasay/City Information Office)

Read More
smoking

MAHIGIT ISANDAANG INDIBIDWAL, NASITA SA ANTI SMOKING AND VAPING ORDINANCE SA KIDAPAWAN CITY

Kidapawan City- (August 7,2025) Mas maraming indibidwal ang nasita dahil sa paggamit ng vape at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa Kidapawan City nitong huling dalawang linggo ng Hulyo ng kasalukuyang taon, base na rin sa pinakahuling Apprehension Report mula sa Kidapawan City Anti-Vice and Regulations Unit at Business Permit and Licensing Office.

Ayon sa pinakahuling ulat, umabot sa 111 ang nabigyan ng Citation tickets dahil na rin sa nasabing paglabag sa “No Smoking Ordinance” ng lungsod.

Mula sa kabuuang bilang ng mga nasita, nasa 40 indibidwal ay residente ng kalapit na mga Munisipalidad tulad na lamang ng Magpet, President Roxas, Makilala, Matalam at Pikit. May iilan ding mula naman sa Davao Region.

Isa sa nakikitang dahilan ng pagtaas ng bilang mga nasita ay dahil na rin sa mas mahigpit na kampanya ngayon ng Lokal na Pamahalaan laban sa paninigarilyo, at sa paghimok na rin ng City LGU sa mga Barangay Officials na mas maging mapagmatyag sa mga naninigarilyo sa mga pampublikong lugar na kanilang nasasakupan.

Kalusugan ng nakararami ang nakasalalay sa pagpapatupad ng kampanyang ito, kaya naman mas nagsisikap ang mga kawani Lokal na Pamahalaan na ipagpatuloy ang mga isinasagawa nilang hakbang kontra sa usok na ibinubuga ng mga smokers.##(Ryzyl M. Villote/City Information Office)

Read More
LANGUAGE

PAGSASANAY SA FILIPINO SIGN LANGUAGE PARA SA MGA MAY KAPANSANAN SA PANDINIG AT PAGSASALITA PINALALAKAS SA KIDAPAWAN CITY

KIDAPAWAN CITY (August 7, 2025) – Malaking bahagi ng pangaraw-araw na pamumuhay ang komunikasyon, at pakikipag usap sa kapwa tao.

Pero paano ito magagawa ng isang may kapansanan sa pananalita gayung hirap sila sa pagbigkas ng mga salitang maaaring mamumutawi sa kanilang mga bunganga o kaya ay hindi man lang marinig ang magandang tinig mula sa kanilang kausap?

Sa Kidapawan City, inilunsad ng Persons with Disabilities Affairs Office o PDAO sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang “pilot testing” ng Filipino Sign Language o FSL, na karaniwang ginagamit sa pakikipagtastasan sa mga may kapansanan sa pandinig at pagsasalita.

Unang sinanay sa Filipino Sign Language ang mga PDAO Officers, saka ito isinagawa sa PWD Association Officers at members kasama ang ilan sa mga CSWDO Field Officers sa kani-kanilang PWD Association Office o Barangay Gymnasium.

Ang mga sumailalim sa pagsasanay ay inaasahan namang ibabahagi ang kanilang natutunan sa kanilang mga nasasakupan.

Sa kasalukuyan, nasa dalawampung (20) Barangay PWD Associations sa lungsod ang sumailalim sa naturang training.

Ayon naman kay PDAO Louie Quebec, pinaghahandaan ng kanilang tanggapan ang susunod na phase ng FSL na ihandog din sa mga BLGU at pribadong establisyemento upang maging tulay sa isang mas inklusibong pamayanan sa lungsod ng Kidapawan

Dadag pa ni Quebec na maaring makipag-ugnayan ang mga interesadong matuto ng FSL sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng pagcontact sa kanilang FB Page, PDAO Kidapawan City o E-mail, Pdaokidapawancity@gmail.com. Maaari din silang tumawag o magtext sa numero 09816389678.##(Vonkluck Herrera | City Information Office)

Read More
cd

EMPLEYADO NG CENRO NA NAGSAULI NG CELLPHONE NAKATANGGAP NG PAPURI ONLINE

Kidapawan City-(August 6, 2025) KUNG matapat ka sa maliit na bagay, walang duda na mas mapagkakatiwalaan ka sa malaking bagay na iniaatang sa iyo bilang isang lingkod bayan.

Pinatunayan ito ng isang manggagawa ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO)ng Kidapawan City na nagsauli ng napulot na mobile phone habang malapit sa isang hotel kahapon.

Nangongolekta ng basura si Rommel Hilot, nang may napulot itong cellphone sa bahagi ng AJ Hi-Time Hotel at St. Peregrine Hospital. Sa halip na itago ang napulot na mobile phone, isinauli niya ito sa noon ay balisang-balisa na may ari.

Boarder ni Ms. Rorie Reforma Roxas-Politud ang may ari ng nakitang cellphone.

Kuwento ni Ms. Politud, taga probinsiya ng Maguindanao ang may ari at nasa Kidapawan City ito upang mag review sa nalalapit na Licensure Examination for Teachers (LET).

Hindi na raw nagawang magpakilala ang may ari dahil sa sobrang tuwa nito. Nasa nawawalang cellphone kasi niya ang mga dokumentong kakailanganin niya para sa pagkuha ng pagsusulit.

Sa katunayan, PASASALAMAT lamang kay Sir Rommel ang nasambit nito. Wala din daw kasi itong maibibigay na pabuya dahil kapus din sa kanyang review at pinansiyal na kalagayan.

Muling napatunayan ni Sir Rommel na ang pagiging tapat bilang lingkod bayan na ikinintal ng mga namumuno sa City Government ay matutumbasan kahit man lang sa mga katagang…SALAMAT at walang katapusang PASASALAMAT.

Mabuhay ka Sir Rommel Hilot, nawa ay tularan ka ng iba pang mga lingkod bayan dahil sa iyong KATAPATAN kahit paman maging ikaw ay kapus din sa buhay.##(William Magbanua/City Information Office)

Read More
occp

LIBRENG SERBISYO NG OCCR, TAMPOK SA KDAPS 4.0

Kidapawan City-(August 6, 2025) Maaga palang ay mainit na ang pagsalubong ng mga residente sa mga kawani ng Kabarangayan Dad-An Og Proyekto ug Serbisyo o KDAPS 4.0 nitong Martes, August 5, 2025.

Isa ang Office of the City Civil Registrar sa naghatid ng serbisyo sa mga residente ng Barangay Mua-an na kung saan inilalapit na sa mga tao ang pag request ng verification ng kanilang pagkakilanlan.

Ilan sa mga residente ang naka benepisyo sa KDAPS, sina Talino Ong Daguia, Adonis Ong Daguia, Aurea Talicusay Lirazan at Daniel Tabayag Gersava.

Buong puso silang pinagsilbihan ng mga kawani ng Office of the City Civil Registrar (OCCR) sa kanilang Late Birth Registration at pag berepika sa kanilang Marriage Certificate.

Laking tulong ito sa apat na Senior Citizens, dahil sa halip na magtungo pa sila sa sentrong bahagi ng Lungsod, ay mismong serbisyo na ng tanggapan ng pamahalaan ang lumapit upang tugunan ang kanilang mga karaingan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga residente at mga opisyal ng Brgy. Mua-an sa Lokal na Pamahalaan at sa mga Partner Agencies ng KDAPS na naglaan ng oras, pagod at panahon upang tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan ng nasabing Barangay.##(Leo Umban | City Information Office)

Read More