Category: KDAPS

ccr

CITY CIVIL REGISTRAR, DINAGSA SA KDAPS 4.0 SA BARANGAY PATADON

Kidapawan City-(August 7,2025) Dinayo ng mga residente ang serbisyong handog ng City Civil Registrar sa ilalim ng Kabarangayan Dad-an ug Proyekto ug Serbisyo 4.0 o KDAPS na isinagawa ngayon lamang August 7, 2025 sa Barangay Patadon.

Umabot sa mahigit kumulang 200 na mga tao ang napagsilbihan ng opisina. Karamihan ay humingi ng tulong sa pagproseso ng mga dokumentong sibil tulad ng birth certificate, marriage certificate, death certificate, at iba pang kaugnay na serbisyo.

Bilang tugon sa dami ng mga benepisyaryo, buong araw na nag-operate ang City Civil Registrar sa barangay upang matiyak na maasikaso ang lahat.

Patunay ito ng pangako ng City Government na magiging madali na para sa mga Kidapaweños ang pagkuha ng Sertipiko ng Pagkakakilanlan, lalo na sa mga malalayong barangay

Naging matagumpay ang naisagawang programa sa nasabing barangay, sa kabuuan umabot sa 1,765 na mga residente ang nabigyan ng libreng serbisyo at lubos na nagpapasalamat rito.##(Djallyca Ganancial/City Information Office)

Read More
occp

LIBRENG SERBISYO NG OCCR, TAMPOK SA KDAPS 4.0

Kidapawan City-(August 6, 2025) Maaga palang ay mainit na ang pagsalubong ng mga residente sa mga kawani ng Kabarangayan Dad-An Og Proyekto ug Serbisyo o KDAPS 4.0 nitong Martes, August 5, 2025.

Isa ang Office of the City Civil Registrar sa naghatid ng serbisyo sa mga residente ng Barangay Mua-an na kung saan inilalapit na sa mga tao ang pag request ng verification ng kanilang pagkakilanlan.

Ilan sa mga residente ang naka benepisyo sa KDAPS, sina Talino Ong Daguia, Adonis Ong Daguia, Aurea Talicusay Lirazan at Daniel Tabayag Gersava.

Buong puso silang pinagsilbihan ng mga kawani ng Office of the City Civil Registrar (OCCR) sa kanilang Late Birth Registration at pag berepika sa kanilang Marriage Certificate.

Laking tulong ito sa apat na Senior Citizens, dahil sa halip na magtungo pa sila sa sentrong bahagi ng Lungsod, ay mismong serbisyo na ng tanggapan ng pamahalaan ang lumapit upang tugunan ang kanilang mga karaingan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga residente at mga opisyal ng Brgy. Mua-an sa Lokal na Pamahalaan at sa mga Partner Agencies ng KDAPS na naglaan ng oras, pagod at panahon upang tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan ng nasabing Barangay.##(Leo Umban | City Information Office)

Read More
libre

164 NA MGA RESIDENTE NG BARANGAY MUA-AN, NAKINABANG SA LIBRENG SERBISYONG PANGKALUSUGANG HANDOG NG KDAPS 4.0

KIDAPAWAN CITY (August 6, 2025) – Ang kalusugan ang nangungunang kayamanan na nagsisislbing susi sa kaunlaran ng isang pamayanan.

Bilang pagkilala sa nabanggit, ang pakikiisa sa pagdiriwang ng Founding Anniversary ng Barangay Mua-an ay inilunsad ang Kabarangayan Dad-an ug Proyekto og Serbisyo o KDAPS 4.0 kung saan pinangunahan ng City Health Office ang libreng serbisyong medikal.

Nasa 164 na mga residente ang nakinabang sa serbisyong handog ng CHO na kinabibilangan ng libreng Medical Check-up at gamot mula sa CHO.

Nagkaroon din ng libreng Medical Examinations kabilang ang Urine, Stool, at Blood tests, libreng Tooth Extraction, pamimigay ng Complementary Baby Food para sa mga batang nagkakaedad ng 6-23 months old, at Ultrasound sa mga buntis.

Gayundin ang pamimigay ng EIC Materials hinggil sa mga Health Programs ng CHO.

Malaki naman ang pasasalamat ni Punong Barangay Debbie Perez sa programang ito ng Lokal na Pamahalaan dahil sa halip na tumungo pa ang kanilang mga residente sa lungsod para sa mga nabanggit na serbisyo ay inilapit na ito sa kanilang barangay nang libre.

Inaasahan namang magdiriwang ang mga residente ng Barangay Mua-an ng masigla at malusog dahil sa mga natanggap nilang serbisyong pangkalusugan mula sa Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan.##(Vonkluck Herrera | City Information Office)

Read More
koo

LOKAL NA PAMAHALAAN, PATULOY NA TINUTULUNGAN ANG MGA KOOPERATIBA SA PAGPAPALAGO NG KANILANG MGA PRODUKTONG LOKAL

Kidapawan City-(August 6, 2025) Kasabay ng isinagawang Kabarangayan Dad-an ug Proyekto ug Serbisyo o KDAPS 4.0 sa Brgy. Mua-an kahapon, ay nagbigay din ng suporta ang Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan sa mga kooperatiba ng lungsod upang mapalago at mapalawak pa ang kanilang mga produktong lokal.

Kabilang sa mga produktong kanilang ibinida ay mga coffee coaster, walis paypay, basahan, kape, sugar holder, pot holder at iba pa.

Layunin nitong maitaguyod ang mga negosyo ng kooperatiba at upang makapagbigay pa ng oportunidad sa mga miyembro nito

Ayon kay City Cooperative Development Office Head Lauro Taynan Jr., ang mga kooperatiba ay may malaking papel sa pagpapalakas ng ekonomiya.

Sa naitalang datos noong March 31, 2025, umabot na sa kabuuang 70 na kooperatiba ang nasa lungsod.##(Djallyca Ganancial/ City Information Office)

Read More
price

PRESYO NG MGA BILIHIN SA MERKADO, INAASAHANG BABABA NGAYONG BUWAN

Kidapawan City-(August 5, 2025) May magandang balita para sa mga mamimili ng Lungsod —inaasahang bababa ang presyo ng karneng baboy sa mega market simula bukas August 6, 2025.

Sa isinagawang pagpupulong kahapon, August 4, 2025 ng mga vendors at kinatawan ng Lokal na Pamahalaan, ang pagbaba ng presyo sa karne ng baboy ay bunsod ng pagdami ng stocks ng mga produkto.

Patuloy na pinaaalalahanan ang mga mamimili na maging mapanuri sa presyo at kalidad ng kanilang binibili.

Hinihikayat din ang mga tindero na sumunod sa suggested retail price para matiyak ang patas na presyo.##(Djallyca Ganancial/City Information Office)

Read More
kid

BASKETBALL AT MGA LARONG PINOY, NAGPASAYA SA KDAPS 4.0 SA BRGY. MUA-AN

Kidapawan City- (August 5, 2025) Sa Barangay Mua-an ang naging destinasyon ng buong Team ng Kabarangayan Dad-an ug Proyekto ug Serbisyo o KDAPS 4.0 ngayong araw August 5, 2025.

Naging sulit ang pagdalo ng mga residente ng barangay sa programa, bukod kasi sa mga serbisyong dala ng grupo para sa lahat, ay may Friendly Basketball Game at mga Larong Pinoy din na inihanda para sa mga mamamayan nito.

Bumida sa basketball game ang mga Barangay Officials ng Mua-an, laban sa koponan ng Team Pogi kasama ang mga Chairpersons ng ibat-ibang barangay gayundin ang mga City Officials. Kung saan itinanghal na panalo ang BLGU Mua-an.

Bukod sa cash prizes, nagsilbing bonding na rin ng mga taga Barangay ang mga isinagawang Larong Pinoy dahil nagpapakita ito ng kanilang matibay na samahan sa kumonidad. Lahat ay pwedeng makasali mula sa mga bata, hanggang sa mga Senior Citizens.

Ikinatuwa rin ng mga naroon ang Zumba Dance Competition, at humataw sa dancefloor ang mga kalahok.

Ilan lamang ito sa mga bahagi ng programang KDAPS na naglalayong mapasaya at mapangiti, ang lahat ng mga nakiisa sa kanilang pagdalaw sa mga barangay sa Lungsod.##(Ryzyl M. Villote/City Information Office)

Read More
MUA

KDAPS 4.0 SA BARANGAY MUA-AN

August 5, 2025| 7:00AM

Sa mga taga Brgy. Mua-an: Makisaya, Makiisa, Makibahagi at Tumanggap ng Libreng Serbisyo na dala ng buong KDAPS Team sa inyong barangay.

Read More
newb

KDAPS 4.0 BALIK SERBISYO NA, BRGY. NEW BOHOL UNANG BINISITA

Kidapawan City-(July 23, 2025) Maaliwalas man ang panahon, naging mainit naman ang pagsalubong ng mga residente ng barangay New Bohol, sa mga kawani ng programang Kabarangayan Dad-An Ug Proyekto Og Serbisyo o KDAPS nitong araw ng Huwebes, July 23, 2025.

Dinaluhan mismo ni City Mayor Pao Evangelista, ang okasyon kung saan ay nagpaabot ito ng pasasalamat sa mga Kidapaweño sa tagumpay na naabot ng KDAPS sa loob ng kanyang termino. Kaya naman sa pagsisimula nito, una ngang naging destinasyon nito ang nabanggit na barangay .

Ayon sa alkalde, mismong ang Lokal na Pamahalaan ang magtutungo sa mga barangay upang ilapit mismo sa mga tao ang ibat-ibang serbisyo publiko.

Ilan sa mga residente na naka benepisyo sa KDAPS sina Lioniza Javier Duran, Felicidad Luceranas at Milagros Embodo, kung saan napagsilbihan sila ng mga kawani ng Philippine Statistic Authority (PSA), Office of the City Veterinary (OcVet) at Eye Check-up para sa libreng salamin.

Malaking ginhawa ito para sa kanilang tatlo dahil sa halip na magtungo sila sa sentrong bahagi ng Lungsod, ay ang mismong serbisyo na ng mga tanggapan ng pamahalaan ang pumupunta sa kanilang barangay.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga residente at mga opisyal ng New Bohol sa lokal na pamahalaan at sa partner agencies ng KDAPS, na naglaan ng oras at panahon upang tugunan ang mga suliranin na kinakaharap ng mga mamamayan ng nasabing barangay. ##(Leo Umban / City Information Office)

Read More