Category: Canopy25

2.8

MAHIGIT 2.8M PUNO NAITANIM SA LUNGSOD SA ILALIM NG CANOPY25

KIDAPAWAN CITY – (May 27, 2025) SUMOBRA pa sa target na dalawa at kalahating milyong puno ang naitanim ng City Government at kapartners nito sa Canopy25 mula ng ilunsad ni City Mayor Atty. Pao Evangelista ang programa noong February 2023.

Basehan ang bilang sa ulat ng CENRO sa Flag Raising Ceremony at Convocation Program ng City Government noong May 26.

Ayon pa kay Mayor Evangelista. layunin ng Canopy25 na protektahan ang kalikasan at pagkukunan ng tubig maiinom ng mga Kidapawenyo.

2,813,633 ang saktong bilang ng iba’t ibang endemic at fruit trees ang itinanim sa ilalim ng Canopy25.

2,518 ektarya naman ng mga lugar sa watershed area, paligid ng Mt. Apo National Park,tabing ilog,tabi ng daan,mga farms at pribadomg lupa ang natamnan ng puno.

Mahigit naman sa sampung libong mamamayan tulad ng mga kawani sa gobyerno,mga guro at estudyante, GKK at mga religious groups at iba pang stakeholders ang nagtanim ng puno bilang suporta sa Canopy25.##(Lloyd Kenzo Oasay| City Information Office)

Read More
can6

PANG ISANG MILYONG PUNO SA ILALIM NG CANOPY’25 ITINANIM SA CITY PLAZA

KIDAPAWAN CITY (February 12, 2024) – ITINANIM NI City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa City Plaza ang ONE MILLIONth Tree ng Canopy’25. Mag-iisang taon na simula ng ipatupad ang programang pangkalikasan ng City Government.

Isang puno ng Agoho ang itinanim ni City Mayor Evangelista sa City Plaza kasama ng mga City Councilors at nina Cotabato Provincial Environment and Natural Resources Officer Radzak B. Sinarimbo, Matalam CENRO Abdulnagib T. Ringia, MKWD General Manager Stella M. Gonzales, EDC Mt. Apo Geothermal Plant Facility Head Engr. Romeo I. Kee at Chairperson of the Council of Elders Datu Eduardo Umpan.

Sa kabila ng mga hamon, ay naitanim ang pang isang milyong puno sa kapistahan pa mismo ng lungsod kung saan tiniyak ni Mayor Evangelista na hindi malayong mararating ang minimithing 2.5 Million trees sa panahon ng kanyang panunungkulan dahil na rin sa aktibong suporta mula sa iba’t ibang sektor at civil organizations na magtanim ng puno.

Ang symbolic planting ng One Millionth Tree ng Canopy’25 ay isa sa highlights ng 26th Charter Day ngayong February 12.##(Lloyd Kenzo Oasay | City Information Office)

Read More
485974934_1090807453061650_4407362161797039910_n

SYMBOLIC 1.5Mth TREE NG CANOPY’25 ITINANIM NI MAYOR PAO SA CITY PLAZA

KIDAPAWAN CITY (August 18,2024) – ITINANIM ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang symbolic 1.5Millionth Tree sa ilalim ng Canopy’25 ngayong umaga ng linggo, August 18.

Isang puno ng Agoho ang itinanim ni Mayor Pao kasama si Former Senator Vicente Tito Sotto, III na sinaksihan naman nina Cotabato Vice Governor Efren F. Pinol, 2nd Legislative District Board Members Joseph Evangelista at Dr. Krista Pinol – Solis.

Symbolic kung maituturing ang pagtatanim lalo na at halos malapit na nitong maabot ang inaasam na 2.5 million bilang ng punong itatanim sa ilalim ng programa ni Mayor Pao.

Ang Agoho ay isang uri ng Pine tree na katulad ng mga punong nakatanim sa center islands ng Quezon Boulevard.

Itinanim ang symbolic tree kasabay ng pagdiriwang ng Kasadya sa Timpupo 2024 at ika 77 taong anibersaryo ng noo’y Bayan ng Kidapawan na ginugunita naman ngayong August 18.###(Lloyd Kenzo Oasay | City Information Office)

Read More
can

MAKASAYSAYANG PAGTATANIM NG IKA-2.5 MILYONG PUNONG KAHOY, ISINAGAWA SA CITY PLAZA

KIDAPAWAN CITY (February 7, 2025) – Kasabay ng paggunita sa ika-27th Charter Day Celebration sa lungsod nito lamang araw ng Biyernes, February 7, ay isinagawa ang pinakamakasaysayang symbolic planting ng ika-2.5 milyong punong kahoy ng Canopy ‘25 project na sinimulang ilunsad, dalawang taon na ang nakalipas.

Matatandaang noong Ika-21 ng Pebrero, taong 2023 ay inilunsad ng City Government of Kidapawan sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang Canopy ’25, sa may Brgy. Ginatilan ng lungsod na may layuning makapagtanim ng dalawang milyon at limang daang libong punong kahoy sa lungsod upang mapanumbalik ang sigla ng kalikasan at maiwasan ang pagbagsak ng kalidad at pagkasira nito sa pakikipagtulongan ng iba’t-ibang mga sektor at grupo ng lipunan.

Lubos namang nagalak ang lahat ng nakilahok sa programa dahil lumagpas pa ng 100,000 ang layunin nitong bilang na maitanim na punong kahoy para sa darating na henerasyon.

Giit naman ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista na ito ang pinakamakabuluhang investment ng mga Kidapaweño para sa kinabukasan at patunay ito na kapag may pagkakaisa, lahat ng adhikain ay kaya.

Dagdag pa nya na ang Kidapawan ang may pinakamaraming naitanim na punong kahoy sa buong bansa sa loob lamang ng dalawang taon kung ihahambing ito sa million trees program na may layong makapagtanim ng isang milyong punongkahoy sa buong bansa sa loob ng limang taon.

Dinaluhan ang aktibidad nina City Councilors Mike Ablang, Galen Ray Lonzaga, LIGA President Ricardo Reforial, CENRO Edgar Paalan, PENRO Radzak Sinarimbo, Matalam CENRO, MKWD General Manager Atty. William Angos, City Cooperative Council Chairman Joel Vilvestre, MANP-PAMO Asst. PASU Forester Junifer Baluran, mga department managers, at mga empleyado ng City Government.

Inaasahan naman ni Mayor Pao na magsilbing inspirasyon ito sa mga Kidapaweño, gayundin sa mga karatig na lugar na ipagpatuloy ang adbokasiya sa pangangalaga sa kalikasan.###(Vonkluck Herrera | City Information Office)

Read More
canopy 25

MAHIGIT 1.5 MILYONG PUNO NAITANIM SA ILALIM NG CANOPY’25

KIDAPAWAN CITY – (July 8, 2024) NASA 1,575,412 na iba-t ibang uri ng punongkahoy ang naitanim ng City Government at mga partner organizations, at agencies nito sa Canopy’25 program mula February 2023 hanggang sa kasalukuyan.

Matatandaang sinimulang ipatupad ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang programa na naglalayung maprotektahan ang kalikasan lalo na yung mga pinagkukunan ng tubig o watershed areas, at malimitahan ang epekto ng climate change para sa kapakanan ng mga Kidapawenyo sa hinaharap.

Sa naturang kabuo-ang bilang ng naitanim na mga puno, 1,250,600 o 78% nito ay mga forest trees, 100,000 ang bamboo o kawayan, 130,400 ang kape, at 94,412 naman ang iba’t-ibang fruit trees.

Abot naman sa 1,225.2 hectares ng lupa sa lungsod ang nataniman ng naturang mga puno kung saan itinanim ang mga ito sa tabi ng ilog at public lands, local watershed, Metro Kidapawan Water District watershed, at mga pribadong lupa at farm lands.

Patuloy pa rin ang panghihikayat ni Mayor Pao sa lahat na makilahok sa Canopy’25.

Magsisilbing isa sa mga highlight sa darating na pagdiriwang ng kasadya sa Timpupo at 77th Anniversary ng Kidapawan sa buwan ng Agosto ang symbolic planting ng ika dalawang milyong puno sa ilalim ng Canopy’25. ##(Lloyd Kenzo Oasay/CIO)

Read More