lanao

ROYEKTONG KONTRA BAHA AT LUBAK, ISASAGAWA SA BARANGAY LANAO

Kidapawan City-(June 24, 2025) Isang one barrel and Slope Protection Project ang isasagawa sa Brgy. Lanao, Kidapawan City na sinimulan na sa pamamagitan ng Groundbreaking ceremony kanina, June 24.

Ito ay katuparan sa matagal ng hinihintay na solusyon ng mga residente ng Barangay, sa pagbaha at pagkasira ng mga daanan sa Purok 6.

Kaya naman buong pusong pagpapasalamat ang naging mensahe ng mga taga barangay Lanao, sa pangunguna ni Brgy. Chairperson Ricardo Ceballos sa programa.

Naroon rin ang mga residenteng pangunahing magiging benepisyaryo nito, lalo pa sa mga motoristang araw-araw na tinatahak ang nasabing daan.

Masaya ring ibinihagi ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na marami pang kahalintulad na programa ang isasagawa sa Brgy., at sa lahat ng mga barangay sa lungsod.

Bahagi ito ng layunin ng Lokal na Pamahalaan na maisaayos ang lahat ng mga daan sa lungsod, para maging ligtas at mapaunlad ang buhay ng mga Kidapaweños.

Read More
4m

4M NA HALAGA NG PROYEKTONG IMPRASTRAKTURA, IPAPATUPAD NG LGU KIDAPAWAN SA BRGY. SIKITAN

Kidapawan City- (June 24,2025) Nasa mahigit 4 million na halaga ng box culvert at slope protection, ang ipapatupad ng Lokal na Pamahalaan sa Purok 1 Brgy. Sikitan, Kidapawan City.

Ito ay matapos isinagawa ang ground breaking ceremony ng two barrel box culvert, slope protection, open canal at PCCP sa nasabing lugar ngayong araw ng Martes, June 24, 2025.

Pinangunahan ang groundbreaking nina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista at City Vice Mayor Melvin E. Lamata Jr. kasama ang mga City Councilors, Brgy. Kapitan Ernie Bañados at mga kasamahan nito sa Barangay.

Ang proyektong ito ay malaking ginhawa hindi lamang sa mga residente ng nasabing barangay kundi pati rin ng mga kalapit sitio nito kung saan ito ay nagsisilbing daan para sa kanila.

Read More
turn

GROUNDBREAKING AT TURNOVER CEREMONY, ISINAGAWA SA BRGY. SAN ROQUE, KIDAPAWAN CITY

Kidapawan City- (June 24, 2025) Isinagawa ngayong araw ng Martes ang makabuluhang groundbreaking ceremony ng construction of box culvert sa Purok 4, Brgy. San Roque na two barrel box culvert, slope protection at PCCP.

Kasabay din nito ang turnover ceremony ng road concreting project sa parehong purok na RCPC Installation, Open Canal, at Slope Protection Construction.

Taos-pusong pasasalamat at labis na tuwa ang naramdaman ng mga residente at ni Brgy. Kapitan Simplicia Calvo sa proyektong ito ng Lokal na Pamahalaan, dahil sa wakas ay naisasakatuparan na rin ang matagal na nilang hinihintay.

Dinaluhan ang nabanggit na groundbreaking ceremony nina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista at City Vice Mayor Melvin E. Lamata Jr. kasama ang mga City Councilors na sina Mike Ablang, Aljon Cris Dizon, Galen Ray Lonzaga, Carlo Agamon at Jason Roy Sibug kasama ang ilang mga Opisyales mula sa Barangay.

Ang proyektong ito ay patunay ng malasakit ng Lokal na Pamahalaan sa pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan sa Lungsod.

Read More
Mkwd-post

METRO KIDAPAWAN WATER DISTRICT, MAKIKIISA SA LGU-KIDAPAWAN NA PANGALAGAAN ANG MGA BUBUYOG

Kidapawan City- (June 23,2025) Matapos sumailalim sa pagsasanay kasama ang HUBAK Association at Kidapawan City Agriculture, ay handa na ang mga kawani ng Metro Kidapawan Water District na makiisa sa kampanya ng pangangalaga ng mga bubuyog sa lungsod.

Apat na mga stingless bee colonies ang personal na naiturn-over ng LGU-Kidapawan, sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa nabanggit na tanggapan.

Pangungunahan ng Roots and Shoots Club ang pangangalaga ng mga bee colony matapos nila itong matanggap, kasabay ng isinagawang Turn-Over Ceremony sa Mayors Office, umaga nitong Lunes June 23, 2025.

Ang kampanyang ito ng Lokal na Pamahalaan na pangangalaga sa mga bubuyog, ay isa lamang sa mga programa ng City LGU na pumoprotekta at nagpapakita ng pagmamahal sa kalikasan at sa mga naninirahan rito.

Read More
d

KIDAPAWAN CITY NURTURE HUB, MAINIT NA TINANGGAP ANG MGA SECOND BATCH ENROLLEES

Kidapawan City- (June 17,2025) Mainit na tinanggap ng Kidapawan City Nurture Hub ang second batch enrollees ng Occupational Therapy Services na nagsimula nito lamang araw ng Huwebes, June 12, 2025.

Nasa tatlumpu’t anim (36) na mga kliyente sa pangkalahatan ang nakatala sa Cycle 2. Anim na bata tuwing Martes at Biyernes, labindalawang mga bata naman tuwing araw ng Miyerkules at Huwebes.

Aasahan naman na magtatapos ang cycle 2 sa huling linggo ng Hulyo. May kabuuang walong sessions naman bawat bata, kung saan isang session kada linggo ang matatanggap nila.

Ang hakbang na ito ay isinasagawa upang mapalusog ang kaisipan at personal na pag-unlad. Sa layuning masiguro na ang bawat bata ay nabibigyan ng tamang gabay at sapat na panahon para mapagyaman ang kanilang motor skills, sensory integration, self-care routines maging ang kanilang daily functional abilities. ## (Djallyca Ganancial | City Information Office)

Read More
bark

STEEL BARRICADE, SINIMULAN NG IPAMAHAGI SA MGA PAARALAN SA KIDAPAWAN CITY

Kidapawan City- (June 17, 2025) Bago pa man ang pagbubukas ng klase kahapon, ay naipamahagi na sa mga paaaralan sa Kidapawan City ang mga Steel Barricade na ilalagay sa harap ng eskwelahan.

Tiniyak ng Traffic Management and Enforcement Unit na magiging ligtas, para sa mga mag-aaral ang kanilang pagbabalik sa kani-kanilang mga paaralan. Kaya agad nilang isinagawa ang distribusyon nito.

Paalala ng TMEU sa mga motorista, maging mapagmatyag at maingat lalo na sa mga School Zone kung saan maraming bata ang nasa paligid, at upang makaiwas na rin sa aksidente.

Dagdag pa ng tanggapan na maaring lumapit sa kanila o sumulat kung mayroon pang nangangailangan ng steel barricade sa kanilang mga lugar.

Sa proyektong ito ng Lokal na Pamahalaan, mas magiging panatag ang mga magulang habang nasa paaralan ang kanilang mga anak at sa tuwing kinakailangan tumawid ng mga bata sa kalsada.##(Ryzyl M. Villote| City Information Office)

Read More
feeds

CITY GOVERNMENT NAGPAABOT NG TULONG SA MGA HOG RAISERS NA APEKTADO NG ASF

KIDAPAWAN CITY -(June 18, 2025) Limampu at pitong mga nag-aalaga ng baboy na apektado ng African Swine Fever o ASF ang nabigyan ng tulong ng City Government.

Ito ay sa pamamagitan ng Feed Loan program kung saan ay kalahati lang ng kabuoang halaga ng feeds ang kanilang babayaran.

Paraan ito ng City Government sa ilalim ng ASF Recovery Program na tulungang makabangon ang mga magbababoy na nawalan ng kabuhayan matapos magkasakit ang kanilang mga baboy.

Abot sa limapung kilo ng feeds ang natanggap ng beneficiary depende na rin sa dami ng kanyang mga alaga.

Pinangasiwaan ng Office of the City Veterinarian at Office of the City Mayor ang naturang aktibidad na ginanap nitong June 17 sa tanggapan ng OCVET.##(Lloyd Kenzo Oasay/City Information Office)

Read More
ds

CITY EMPLOYEES SEMINAR WORKSHOP, MULING ISINAGAWA NG LGU-KIDAPAWAN

Kidapawan City- (June 18, 2025) Sa pangunguna ng City Human Resource Management Office ay matagumpay na naisagawa ang 2-day City Employees Seminar Workshop sa Kidapawan City Convention Hall.

Nagsimula kahapon June 17 at nagtapos naman kanina ang nasabing pagsasanay na nagsisilbing refresher course para sa mga partisipante, kung paano maging mas epektibong Lingkod Bayan.

Sa paraang ito, ay nagkakaroon rin ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan na ipaabot sa CHRMO at mga partner agencies ang kanilang mga katanungan at mga kinakailangan nilang mga impormasyon habang sila ay nanunungkulan sa Gobyerno, aasahan naman na matutugunan rin ang kanilang mga isasangguni.

Nagsilbing Resource Person ng pagsasanay sina Civil Service North Cotabato Director Glenda Foronda- Lasaga, Marketing Supervisor Ms. Juliet Bugas mula sa Pag-ibig Office, BCRD Cheif Andres Olegario mula sa GSIS Kidapawan at mga Analyst mula sa tanggapan ng Social Security Services na sina Charles Jordan Costales, Glenn Movilla at James Lloyd Argame.

Aasahan naman na sa susunod na Linggo, ay may mga kasunod pang batches ng mga empleyado ang sasailalim rin sa parehong training.##(Ryzyl M. Villote| City Information Office)

Read More
child

CHILD DEVELOPMENT WORKERS WEEK CELEBRATION, GINUNITA SA LUNGSOD NG KIDAPAWAN

Kidapawan City – (June 19, 2025) Ginunita ang 2025 Child Development Workers Week Celebration ngayong araw ng Huwebes, June 19 sa FCG Convention Center, Kidapawan City sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development at sa tulong na rin ng Kidapawan City Social Welfare and Development.

Ang nasabing aktibidad ay may temang “Child Development Workers sa Bagong Pilipinas, Mapagkalinga, Makabayan at Makabata” na dinaluhan ng mga Child Development Workers o CDW sa region 12.

Ang mga partisepante ay mga taga South Cotabato & Koronadal City, Sultan Kudarat & Tacurong City, Sarangani, Cotabato, General Santos City, at Kidapawan City.

Dumalo naman at nakiisa sina SWO III/CBSS Head Norania S. Sarip, SWO IV/PSD Chief Nanig C. Sanoy, at FCDW-R12 President Rovic P. Plantig. Nagsilbi namang spokesperson si RCWC XII Coordinator Lei Ann Mae C. Silva kung saan tinalakay nito ang patungkol sa Child Protection Related Laws

Ayon naman kay SWO IV/PSD Chief Nanig C. Sanoy na ang mga CDW ay nagbibigay pagkakataon sa mga bata na mapahusay ang pag-unlad ng kanilang mga sensor motors.## (Djallyca Ganancial/ City Information Office)

Read More
tara

MOA SIGNING SA PAGITAN NG DSWD 12, LOCAL PARTNERS AT NG LOKAL NA PAMAHALAAN, ISINAGAWA PARA SA TARA, BASA! TUTORING PROGRAM

Kidapawan City- (April 21, 2025) Pormal ng nilagdaan ngayong araw ng Lunes, April 21, 2025 ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing for Technology Transfer sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng City LGU.

Kasabay din nito ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing for Local Partners sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan, Department of Education, Kidapawan City Division at University of Southern Mindanao-Kidapawan City Campus (USM-KCC).

Ang naturang kaganapan ay isang makasaysayang pangyayari sapagkat ang Kidapawan City ang kauna-unahang lokal na pamahalaan sa buong bansa na nakapag-localize ng Tara, Basa! Tutoring Program na pinondohan ng City LGU.

Personal namang dinaluhan ang MOA Signing nina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista at CSWDO Daisy Gaviola, kasama ang Tara, Basa! Tutoring Program National Program Management Office (TBTP NPMO) Deputy Program Manager Tara, Basa! Tutoring Program Elma Solis-Salamat, Division Chief-Program Implementation Division Sittie Maisah Hadji Monaom, Division Chief-Digitalization and Strategic Communications Kristiane L. Romero, Project Development Officer Cosain M. Taurak, Social Welfare Officer Nerissa Marie R. Elmido.

Kabilang ding dumalo sina Regional Director Loreto Jr. V. Cabaya, Division Chief Innovation Division Ryan D. Balanza, Regional Program Head Melfe O. Ampoloquio, Dr. Jonals Pimentel ng USM-Main Campus, Dr. Ronielyn Pinsoy ng USM-KCC, at School Division Superintendent Miguel P. Fillalan Jr.

Patunay lamang ito na nagpapakita ng matibay na suporta ang lokal na pamahalaan sa larangan ng edukasyon para sa patuloy na pag-unlad ng mga kabataan, hindi lamang sa kanilang kasalukuyang pag-aaral kundi maging sa kanilang kinabukasan.

Read More