subsidy

STUDENTS SUBSIDY IPAPAMAHAGI NA NGAYONG HULING LINGGO NG HULYO, SA KIDAPAWAN CITY

Kidapawan City- (July 3, 2025) Ngayong huling linggo ng Hulyo ay ipapamahagi na ang Students Subsidy, sa lahat ng mga mag-aaral sa Elementary at Highschool sa mga pampublikong paaralan sa Kidapawan City.

Nasa P500.00 ang matatanggap ng bawat estudyante at P1,000.00 naman para sa lahat ng mga PWD Learners.

Humingi naman ng pag-unawa si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, para sa naging delay ng release dahil sa isinagawang Cross Checking para na rin walang makaligtaan at lahat ng mga Estudyanteng mula sa lungsod ay makatanggap ng nasabing subsidies.

Dagdag pa ng Alkalde, wala ng isasagawang Ceremonial Distribution, at ang mga kawani na ng City LGU ang tutungo sa mga paaralan upang ihatid ito sa mga kwalipikadong estudyanteng Kidapaweño.

Paalala niya rin na ang Student Subsidy ay mula sa taxes na binabayaran ng bawat tax payer sa lungsod. Gayundin ang pagpapaabot niya ng pasasalamat sa tulong na maibibigay nito para sa mga mag-aaral bilang pambili ng mga kagamitan para sa kanilang pag-aaral tulad na lamang ng lapis at papel.

Sa susunod na taon, nasa P1,500.00 na ang Subsidy. Katuparan ng mga pangako at bunga na rin ng pagsisikap at pagtutulungan ng Kidapawan City-LGU at mga Taxpayers ng lungsod. ##(Ryzyl M. Villote/ City Information Office)

Read More
manok

MGA FARMER AT LABORER NG ISANG MALAYONG BARANGAY, NABIGYANG KABUHAYAN NG CITY GOVERNMENT

KIDAPAWAN CITY – ( July 2,2025) APATNAPU’T APAT na mga kasapi ng Malinan Farmers and Laborers Association – MAFALA ang nabigyan ng kabuhayan mula sa City Government ngayong Miyerkules, July 2.

Tumanggap sila ng inahin at tandang na mga manok na kanilang pararamihin bilang kabuhayan ng mga kasapi ng asosasyon.

Programa ito ni City Mayor Atty. Paolo Evangelista na naglalayong maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka at maisulong ang seguridad sa pagkain ng mga Kidapawenos.

Nanguna si City Veterinarian Dr.Eugene Gornez sa dispersal ng naturang mga manok sa Barangay Hall ng Malinan.

Bago ang dispersal ay pumirma muna sa isang Memorandum of Agreement ang City LGU at mga kasapi ng MAFALA kung saan maliban sa magsisilbing hanapbuhay ito ng mga recipients, tungkulin nilang paramihin at paiitlogin ang mga manok at ibibigay ito sa OCVET para naman mapakinabangan din ng iba pang nagnanais magkaroon ng kabuhayan sa ilalim ng Poultry Dispersal program ng City Government.

Maliban sa tig aapat na ihanin at isang tandang, may kalakip din na bitamina at supplements para sa maayos na kalusugan ng mga ito ang ibinigay ng OCVET sa mga recipients ng programa. ##(Lloyd Kenzo Oasay/City Information Office)

Read More
lubak

LUBAK-LUBAK AT MAPUTIK NA MGA DAAN SA BRGY. PEREZ, SEMENTADO NA

KIDAPAWAN CITY (July 2, 2025) – WALANG mapagsidlan ng saya at ikinagagalak ng mga residente ng tatlong mga purok sa Barangay Perez, Kidapawan City, ang pormal na pagkakaloob ng Lokal na Pamahalaan ng tatlong mga infrastructure projects nitong Miyerkules, July 2.

Kabilang sa mga proyektong ito ang Drainage System na binubuo ng Open Canal, Reinforeced Concrete Pipe Culvert o RCPC at Portland Concrete Cement Pavement o PCCP Installation Project sa Purok Islao at Slope Protection and Road Concreting Projects sa Purok Forever na may habang 427 metro at 45 metro sa Purok Sto. Niño ng Sito Palera ng nasabing barangay.

Maliban sa mga residente ng barangay Perez, makikinabang din sa mga proyektong ito ang mga residente ng mga karatig pook ng Barangay Balabag at Meohao, na madalas gumagamit sa daan.

Ayon kay Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, simbolo ang mga proyekto ng magandang pamamahala at pagkakaisa ng Lokal na Pamahalaan at mga residente.

Naisakatuparan lamang ito sa pakikipagtulungan ng mga opisyales ng barangay at ng lungsod, gayundin ng mga buwis na ipinagkatiwala ng mga Kidapaweño sa Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan.

Inaasahan namang mapasemento ang lahat ng daan sa Barangay Perez sa darating na tatlong taon, upang gawing mas matiwasay at maunlad ang kalakaran ng turismo at komersyo sa lugar.##(Vonkluck Herrera | City Information Office)

Read More
law

PAGSITA SA MGA LUMABAG SA ANTI-SMOKING ORDINANCE SA KIDAPAWAN CITY NAGPAPATULOY

Kidapawan City- (July 1, 2025) Nasa 67 na mga indibiwal ang nasita ng Kidapawan City Anti-Vice Regulation and Enforcement Unit sa lungsod, dahil sa paninigarilyo at paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar.

Karamihan sa mga binigyan ng citation tickets ay mga tricycle driver na bumabyahe sa mga pangunahing lansangan ng lungsod.

Ang ilan naman ay nasita sa loob ng sabungan, palengke, terminal, at maging sa mga Videoke bars.

Ang nasabing bilang ay naitala sa pinakahuling KidCare Apprehension Report, na nagsimula noong June 16 hanggang June 30 ngayong taon.

Nasa P1,500 to P5000.00 ang multang babayaran ng mga nasitang indibidwal, depende sa bilang ng paglabag sa Ordinansa.

Kaya naman patuloy na kampanya ng Kidapawan City LGU, na kung maari ay itigil na ang paninigarilyo upang makaiwas sa multa at malusog na pangangatawan. ##( Ryzyl M. Villote/ City Information Office)

Read More
polisiya

MGA POLISIYANG DAPAT SUNDIN NG MGA LINGKOD BAYAN, INILATAG NI CITY MAYOR EVANGELISTA SA UNANG ARAW NG KANYANG IKALAWANG TERMINO

Kidapawan City- (July 1, 2025) NAGLATAG ng limang mahahalagang polisiya si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, sa pagsimula ng unang araw ng trabaho nito bilang second termer mayor ng Kidapawan City.

Sinabi ng alkalde na ang mga gagawing sesyon ng Bids and Awards Committee, ay maaari nang makita sa pamamagitan ng social media upang matiyak na transparent ang proseso sa procurement at bidding ng lokal na pamahalaan.

Sa pamamagitan ng Negotiated Procurement Participation magiging prayoridad sa delivery ng supply sa City Government sa usapin ng pagkain at agri-fishery produce ang mga magsasaka at fishefolks groups, assosasyon ng mga kababaihan, kooperatiba, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) beneficiaries at maging ang mga community-based organizations (CBO’s).

Ipapatupad parin ng City government ang ‘’ No Gift Policy ‘’ sa lahat ng mga tanggapan at maging sa mga barangay ng lungsod.

Nilinaw ni Mayor Evangelista, na hindi na kailangan pa ng ‘tip’ para gawin ng mga lingkod pamahalaan ang trabaho dahil sumasahod naman daw ang mga ito mula sa buwis ng mga Kidapaweños.

Maging ang pag gamit ng salitang ‘Honorable’ na ikakabit sa mga pangalan ng mga halal na opisyal ay mariin na ring ipinagbabawal. Ayon kay Mayor Evangelista, Serbisyo publiko sa mga Kidapaweño at hindi personal na ‘honor’ ang mas mangingibabaw.

Higit sa lahat ang paglalagay ng pangalan at mukha ng kahit na sinumang elected o appointed local at barangay officials sa mga proyektong ginamitan ng pera mula sa pamahalaang panlunsod ay ipinagbabawal parin, ayon kay Mayor Evangelista. ##(Williamor Magbanua/ City Information Office)

Read More
iba

KIDAPAWEÑOS REAL TIME NA MAKIKITA ANG PAGTAAS NG TUBIG O LANDSLIDE TUWING UMUULAN

KIDAPAWAN CITY-( July 1, 2025) SA PAMAMAGITAN NG FACEBOOK, ay makikita na sa takdang oras ng mga mamamayan ng lungsod kung magkakaroon ba ng mga pagbaha at landslide dulot ng mga pag ulan.

Umaga nitong Martes, July 1 ng inilunsad ng City Government sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO ang Automated Weather Station at Early Warning System na mapapanood via Facebook Livesteam.

Malaking tulong ito, wika pa ni City Mayor Atty. Paolo Evangelista na malaman ng lahat kung magiging peligroso ba ang isang komunidad tuwing umuulan sa posibilidad ng pagbaha, at pagguho ng lupa.

Praktikal ang nasabing sistema lalo pa at hindi na kinakailangan pang magpadala ng tao ng CDRRMO para imonitor ng kalagayan ng lugar, at mas mabilis na maka responde ang mga otoridad para sa agarang paglikas.

Isa pa ay ang AWS-EWS ay magiging gabay para kay Mayor sa usapin ng pagdedeklara lamang ng suspension ng klase sa mga lugar na direktang apektado ng baha o landslide.

Naglagay ng Automated Weather Station sa siyam na iba’t-ibang lugar sa lungsod na magmomonitor ng dami at bigat ng ulan.

Habang may inilagay din na Early Warning System (na siyang makikita sa Facebook Livestreaming) sa mga lugar na malimit bahain at posibleng gumuho ang lupa.

Payo ng CDRRMO sa mga gumagamit ng Facebook na pumunta lamang sa account ng CDRRMO Kidapawan City para mapanuod at malaman ang sitwasyon ng kanilang mga komunidad habang umuulan.

Ang AWS-EWS ay isa lamang sa mga makabuluhang programa na nagmula sa ibinabayad na buwis ng mamamayan, paliwanag pa ni Mayor Evangelista. ##(Lloyd Kenzo Oasay/City Information Office)

Read More
jobstart1

PAGTATAPOS NG JOBSTART TRAINING, MAINIT NA IPINAGDIWANG SA KIDAPAWAN CITY

Kidapawan City-(June 30,2025) Mainit na ipinagdiwang ng mga jobstarters ang pagtatapos ng kanilang Ten (10) Day Soft/Core Skills Training sa isang seremonya na ginanap sa Kidapawan City Convention Center ngayong araw ng Lunes, June 30,2025.

Nakapagtala ng walumpu’t lima (85) na mga graduates, kung saan ang mga ito ay sumailalim sa sampong araw na soft/core skills training tulad na lamang ng team work,communication, at iba pa.

Dinaluhan ang nasabing seremonyas ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista kasama sina Labor and Employment Officer III Zarah Louise Mahinay, Jobstart FO Focal Donna Mae O. Baron, Senior LEO Supervising LEO Designate Mansour Jesu Kairos C. Orfrecio, Senior TESDA Especialist, at Kidapawan City PESO Manager Herminia C. Infanta.

Ayon kay City Mayor Evangelista, sana gamitin ng mga jobstarters ang training na ito para sa kabutihan at magsilbing inspirasyon sa lahat.

Naging matagumpay ang nabanggit na training sa pagtutulongan ng Department of Labor and Employment, Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan at Public Employment Service Office o PESO.

Ito ay patunay na ang Lokal na Pamahalaan ay patuloy na nagsusumikap at nagsusuporta sa mga programang hindi lamang nagbubukas ng bagong oportunidad, kundi dedikasyon din sa ikakaunlad ng komunidad.##(Djallyca Ganancial | City Information Office)

Read More
nutriban

SUPPLEMENTARY FEEDING PROGRAM NG DSWD, NAIPAMAHAGI SA LUNGSOD NG KIDAPAWAN

Kidapawan City-(June 30,2025) Naipamahagi ngayong huling araw ng buwan, June 30, 2025 sa City Pavilion ang mga Supplementary Feeding Program supplies sa mga magulang ng mga daycare students sa tulong ng mga child development workers o CDW.

Kabilang sa mga naipamahagi ngayong araw ay mga gulay gaya ng patatas, carrots, cabbage, upo, mga tinapay, itlog, bigas, karneng manok, delata at marami pang iba.

Nasa kabuoang 112 na mga beneficiaries ang nakatanggap sa nasabing mga supplies na aasahang tatagal sa loob ng anim na buwan.

Tulay ito ng DSWD upang matulungan ang mga kabataan na mapunan ang kakulangan sa access sa sapat na nutrisyon upang mapabuti ang kalusugan ng mga bata.

Sa tulong ng mga magulang, Child Development Workers, at lokal na pamahalaan aasahan na patuloy na mapapanatili ang malusog na kalusugan ng mga bata sa bawat komunidad.##(Djallyca Ganancial | City Information Office)

Read More
on-timed

ON TIME BIRTH REGISTRATION AT IBA PANG CIVIL REGISTRY DOCUMENTS LIBRE NA NG CITY GOVERNMENT

KIDAPAWAN CITY – (June 30, 2025) LIBRE na ang ON TIME na pagpaparehistro sa City Civil Registrar’s Office ng Lokal na Pamahalaan.

Ibig sabihin, libre ang pagbibigay ng Birth Certificate 30 araw mula kapanganakan, Certificate of Death 30 araw mula sa pagkamatay, at Certificate of Marriage sa loob ng 15 araw matapos ang kasal.

Libre na rin ang registration ng mga wala pang birth certificate hanggang sa kasalukuyan sa ilalim ng Birth Registration Assistance Program o BRAP katuwang ang Philippine Statistics Authority o PSA.

Inanunsyo ito ng CCR Office sa Flag Raising Ceremony at Convocation Program ng City Government umaga ng June 30.

Paraan ito ni City Mayor Atty. Paolo Evangelista na gawing rehistrado ang lahat ng mamamayan sa lungsod, wika pa ng CCR.

May bago na ring City Civil Registrar ang lungsod sa katauhan ni Atty. Christoper Cabelin na umupo na nitong kalagitnaan ng buwan ng Hunyo.##(Lloyd Kenzo Oasay/City Information Office)

Read More
highly

KIDAPAWAN CITY, KINILALANG HIGHLY FUNCTIONAL SA LCAT-VAWC ASSESSMENT NG DILG

Kidapawan City- (June 27, 2025) Sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government Cotabato Province, Hinirang na Highly Functional Level of Functionality for PY 2024 Local Committee on Anti Trafficking and Violence Against Women and their Child ang lungsod ng Kidapawan.

Ito ay nakabase sa resulta ng Functionality Assessment of the Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) sa Probinsya ng Cotabato para sa taong 2025.

Batayan nito ang kahandaan, mga programa, sistema at hakbang na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan at mga ahensyang kaisa nito, sa pangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan gayundin ang paglaban sa Human Trafficking.

Kinikilala ng nasabing ahensya ang patuloy na pagsisikap ng bawat Opisyales, at mga kabahagi nito upang maging posible ang lahat ng ito.

Read More