bata

KABATAANG KIDAPAWEÑO NA HUMAKOT NG PARANGAL SA IBA’T-IBANG LARANGAN, KINILALA NG LGU-KIDAPAWAN

Kidapawan City- (March 19, 2025) Kahanga-hanga ang galing ng ilang mga kabataang Kidapaweños na namayagpag sa iba’t-ibang kompetisyon sa larangan ng mga Asignatura at Sining.

Tulad na lamang ng isinagawang International Champions in Education (ICE) Future Intelligence Students Olympiad sa UP-Diliman, Quezon City, Philippines.

Kaya naman bilang pagbibigay halaga sa kanilang tagumpay at galing, kinilala at pinarangalan sila ng Lokal na Pamahalaan kasabay ng Convocation Program nito.

Ang pagkilala sa mga mag-aaral na nananalo sa mga kompetisyon ay isinasagawa ng City LGU, upang maramdaman nila na mahalaga ang bawat panalong nakakamit nila hindi lamang para sa kanilang sarili ngunit para na rin sa lungsod.

Iniabot ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama ang mga City Councilors ang Sertipiko sa mga nagwaging mag-aaral.##(Ryzyl M. Villote/ City Information Office)

Read More
ground1

GROUNDBREAKING CEREMONY PARA SA LAND DEVELOPMENT NG CITY LGU MATAGUMPAY NA NAISAGAWA SA BARANGAY PACO

KIDAPAWAN CITY-(March 19, 2025) Matagumpay na naisagawa ngayong March 19, ang Groundbreaking Ceremony para sa Land Development ng Kidapawan City Housing Resettlement VI sa Sitio Calaocan, Brgy. Paco.

Ang Lokal na Pamahalaan kasama ang National Housing Authority Region 12 (NHA) ang nasa likod sa matagumpay na pagpapatupad ng proyektong ito. Nakatalaga ang Lokal na Pamahalaan sa Land Development habang ang NHA naman ang magtatayo ng mga housing units.

Ang nabanggit na proyekto ay may kabuuang land area na 45,000 sq.m. Inaasahang pag natapos na ang land development ay ibibigay na ng NHA bilang partner ng LGU ang housing components, para sa first batch, may 134 permanent units at magkakaroon pa ng second batch para sa mga kwalepikadong benepisyaryo

Dinaluhan naman ang nasabing groundbreaking ceremony nina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, City Vice Mayor Melvin E. Lamata, Jr., mga City Councilors, Barangay Paco Officials sa pangunguna ni Kapitan Edgarlito Elardo, at mga kawani ng National Housing Authority (NHA).##(Djallyca Ganancial Ι City Information Office)

Read More
kidaps kalasuyan

𝐊𝐃𝐀𝐏𝐒 NG CITY LGU MAS PINALAKAS AT PINALAWAK SA TAONG 2025.

KIDAPAWAN CITY – (March 11, 2025) Kasabay sa pagdiriwang ng Anibersaryo ng Barangay Kalasuyan ngayong araw na ito isinagawa ang kauna-unahang Kabaranggayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo o KDAPS activity sa taong kasalukuyan.

Pinamunuan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista at City Vice Mayor Melvin Lamata Jr. kasama ang mga ilang mga City Officials ang programa upang maihatid at mailapit

ang serbisyo, proyekto at mga benepisyong ibinibigay ng City Government sa mga mamamayan sa lahat ng barangay sa lungsod.

Nagbibigay ng libreng serbisyo ang iba’t-ibang mga tanggapan at departamento ng City Government pati na mga partner Agencies nito sa mamamayan sa ilalim ng KDAPS.

Tinatayang nasa 927 ang bilang nga mga residente na nabigyan ng serbisyo kanina.

Nagsagawa rin ng iba’t ibang larong pinoy, tulad ng Sock Race, Tubang Preso, BasketBall, Zumba at Sinulid na ipasok sa karayom.

Maliban sa Barangay Kalasuyan, nakatakdang isagawa rin ang KDAPS sa iba pang mga barangay sa susunod na mga araw.## (Leo Umban Ι City Information Office)

Read More
482021174_1077456697730059_4125230879902225523_n

LOKAL NA PAMAHALAAN NAKIISA SA 13TH FOUNDATION ANNIVERSARY NG BPOKCSCAI

KIDAPAWAN CITY-(March 10, 2025) Nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan sa ika-13th Foundation Anniversary ng Barangay Poblacion Kidapawan City Senior Citizens Association Inc. o BPOKCSCAI ngayong araw ng Lunes, March 10, 2025 sa Kidapawan City Gymnasium.

Ang nasabing programa ay may temang “Katandaan ay Korona ng Buhay Kamustahan, Kwentuhan at Kasiyahan”. Ito ay dinaluhan ng anim (6) na mga clusters ng senior citizens na nagmula sa Brgy. Poblacion.

Nagtagisan naman ng talento ang mga senior citizens sa mga contest gaya na lamang ng Song Solo, Chorus, at Folk Dance.

Taos-puso naman ang pasasalamat ng BPOKCSCAI sa lahat ng sumuporta at tumulong upang maging matagumpay ang nasabing pagdiriwang.

Ang naturang selebrasyon ay dinaluhan din nina City Vice Mayor Melvin E. Lamata Jr. kasama ang mga City Councilors, Barangay Chairperson Melvin Gerald E. Lamata, III at OSCA President Renato B. Toralba.##(Djallyca Ganancial ׀ City Information Office)

Read More
PHOTO1

KIDAPAWAN LOCAL SPORTS TOURISM: VOLLEYBALL TOURNAMENT WINNERS, KINILALA NG CITY GOVERNMENT ANG PAGKAPANALO

KIDAPAWAN CITY – (March 10, 2025) Kinilala ng Lokal na Pamahalaan ngayong araw ng Lunes, March 10 ang pagkapanalo ng mga balibolistang Kidapaweños sa ginanap na Kidapawan Local Sports Tourism: Volleyball Tournament.

Ang nasabing tournament ay hinati sa apat na kategorya. Inter-School (Women), Inter-School (Men), Open Kidapawan Men’s Category, at Inter-Agency (Women).

Tumanggap naman ang mga nanalo at runner-ups sa kategoryang Inter-School ng trophy at sports equipment. Samantala, ang Open Category at Inter-Agency naman ay tumanggap ng Trophy at Cash Prize.

Kasama naman sa nagbigay kilala sa mga balibolista sina City Vice Mayor Melvin E. Lamata, Jr. at City Councilors Mike Ablang, Jason Roy Sibug at Carlo Agamon.##(Djallyca Ganancial ׀ City Information Office)

Read More