CITY CIVIL REGISTRAR, DINAGSA SA KDAPS 4.0 SA BARANGAY PATADON

Kidapawan City-(August 7,2025) Dinayo ng mga residente ang serbisyong handog ng City Civil Registrar sa ilalim ng Kabarangayan Dad-an ug Proyekto ug Serbisyo 4.0 o KDAPS na isinagawa ngayon lamang August 7, 2025 sa Barangay Patadon.
Umabot sa mahigit kumulang 200 na mga tao ang napagsilbihan ng opisina. Karamihan ay humingi ng tulong sa pagproseso ng mga dokumentong sibil tulad ng birth certificate, marriage certificate, death certificate, at iba pang kaugnay na serbisyo.
Bilang tugon sa dami ng mga benepisyaryo, buong araw na nag-operate ang City Civil Registrar sa barangay upang matiyak na maasikaso ang lahat.
Patunay ito ng pangako ng City Government na magiging madali na para sa mga Kidapaweños ang pagkuha ng Sertipiko ng Pagkakakilanlan, lalo na sa mga malalayong barangay
Naging matagumpay ang naisagawang programa sa nasabing barangay, sa kabuuan umabot sa 1,765 na mga residente ang nabigyan ng libreng serbisyo at lubos na nagpapasalamat rito.##(Djallyca Ganancial/City Information Office)