164 NA MGA RESIDENTE NG BARANGAY MUA-AN, NAKINABANG SA LIBRENG SERBISYONG PANGKALUSUGANG HANDOG NG KDAPS 4.0

KIDAPAWAN CITY (August 6, 2025) – Ang kalusugan ang nangungunang kayamanan na nagsisislbing susi sa kaunlaran ng isang pamayanan.
Bilang pagkilala sa nabanggit, ang pakikiisa sa pagdiriwang ng Founding Anniversary ng Barangay Mua-an ay inilunsad ang Kabarangayan Dad-an ug Proyekto og Serbisyo o KDAPS 4.0 kung saan pinangunahan ng City Health Office ang libreng serbisyong medikal.
Nasa 164 na mga residente ang nakinabang sa serbisyong handog ng CHO na kinabibilangan ng libreng Medical Check-up at gamot mula sa CHO.
Nagkaroon din ng libreng Medical Examinations kabilang ang Urine, Stool, at Blood tests, libreng Tooth Extraction, pamimigay ng Complementary Baby Food para sa mga batang nagkakaedad ng 6-23 months old, at Ultrasound sa mga buntis.
Gayundin ang pamimigay ng EIC Materials hinggil sa mga Health Programs ng CHO.
Malaki naman ang pasasalamat ni Punong Barangay Debbie Perez sa programang ito ng Lokal na Pamahalaan dahil sa halip na tumungo pa ang kanilang mga residente sa lungsod para sa mga nabanggit na serbisyo ay inilapit na ito sa kanilang barangay nang libre.
Inaasahan namang magdiriwang ang mga residente ng Barangay Mua-an ng masigla at malusog dahil sa mga natanggap nilang serbisyong pangkalusugan mula sa Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan.##(Vonkluck Herrera | City Information Office)