MAHIGIT 1.5 MILYONG PUNO NAITANIM SA ILALIM NG CANOPY’25

KIDAPAWAN CITY – (July 8, 2024) NASA 1,575,412 na iba-t ibang uri ng punongkahoy ang naitanim ng City Government at mga partner organizations, at agencies nito sa Canopy’25 program mula February 2023 hanggang sa kasalukuyan.
Matatandaang sinimulang ipatupad ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang programa na naglalayung maprotektahan ang kalikasan lalo na yung mga pinagkukunan ng tubig o watershed areas, at malimitahan ang epekto ng climate change para sa kapakanan ng mga Kidapawenyo sa hinaharap.
Sa naturang kabuo-ang bilang ng naitanim na mga puno, 1,250,600 o 78% nito ay mga forest trees, 100,000 ang bamboo o kawayan, 130,400 ang kape, at 94,412 naman ang iba’t-ibang fruit trees.
Abot naman sa 1,225.2 hectares ng lupa sa lungsod ang nataniman ng naturang mga puno kung saan itinanim ang mga ito sa tabi ng ilog at public lands, local watershed, Metro Kidapawan Water District watershed, at mga pribadong lupa at farm lands.
Patuloy pa rin ang panghihikayat ni Mayor Pao sa lahat na makilahok sa Canopy’25.
Magsisilbing isa sa mga highlight sa darating na pagdiriwang ng kasadya sa Timpupo at 77th Anniversary ng Kidapawan sa buwan ng Agosto ang symbolic planting ng ika dalawang milyong puno sa ilalim ng Canopy’25. ##(Lloyd Kenzo Oasay/CIO)