GKK NA AKTIBONG NAKIKIISA SA CANOPY’25, BINIGYANG PAGKILALA NG LOKAL NA PAMAHALAAN

KIDAPAWAN CITY – (July 21, 2025) Sa layuning muling ibalik ang ganda ng kalikasan, pinatunayan ng mga Gagmay’ng Kristohanong Katilingban (GKK) na maaasahan din sila sa pagtatanim ng mga puno maliban sa pagtatanim ng Salita ng Diyos.
Mahalaga ang partisipasyon ng mga GKK’s sa hangarin ng Kidapawan City Government na makapagtanim ng milyon-milyong puno, upang suportahan ang programang Canopy ‘25 na isinusulong ni Kidapawan City Mayor Pao Evangelista.
Kasabay ng isinagawang convocation program nitong Lunes (July 21), iginawad din sa GKK ng Sitio Fatima Barangay Junction, ang Certificate of Recognition bilang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan sa kanilang pakikiisa sa programa.
Nasa 150 na mga puno lang naman ang kanilang itinanim sa mga bakanteng lupain sa kanilang barangay.
Mismong si Mayor Pao, kasama ang mga miyembro ng 20th Sanggunian sa pangunguna ni Vice Mayor Melvin Lamata, ang nagkaloob ng sertipiko ng pagkilala sa GKK ng Barangay Junction.(##Leo Umban / City Information Office)