PAGTATAPOS NG “TARA, BASA! TUTORING PROGRAM TECHNOLOGY TRANSFER”; TUTOR AT YDW KINILALA ANG KANILANG MAHALAGANG AMBAG AT SAKRIPISYO

Kidapawan City- (July 15, 2025) Sa layuning matulungan ang mga kabataang hirap magbasa, ay ipinakilala ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang Tara, Basa! Tutoring Program.
Nito lamang araw ng Lunes, July 14, 2025 ginanap ang Culmination activity ng Tara, Basa! Tutoring Program sa Kidapawan City Gymnasium na nilahokan ng daan-daang mga learners mula sa City Schools Division.
Kinilala at binigyang puri ang dedikasyon ng mga tutors at Youth Development Workers o YDW’s, na naging tulay sa mga kabataan at mga magulang nito sa pagpapatibay ng kakayahan sa pagbabasa.
Nagbahagi naman ang ilang mga tutors at YDW’s sa kanilang mga karanasan, kung saan inilahad nito na ang pagbabasa ay hindi lamang sa ikauunlad ng bata kundi susi rin sa pag-unlad ng komunidad.
Ayon kay Director III and Deputy Program Manager TBTP-NPMO Director Elma S. Salamat, ipinagmamalaki nila ang mga tutors at YDW’s sapagkat nagpakita sila ng malasakit sa mga kabataan para sa kanilang kinabukasan.
Kabilang sa mga nakiisa sa aktibidad sina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, CSWD Officer Daisy Gaviola, PESO Manager Herminia Infanta, Senior LEO Supervising LEO Mansour Jesu Kairos Orfrecio, mga kinatawan ng DSWD FO XII, mga representante ng DepEd Kidapawan City Division at iba pang mga partner agencies na sumuporta sa mga programa.
Kasabay naman ng pagtatapos ng programa ay ang pagsasagawa ng payout para sa mga magulang ng mga kalahok.##(Djallyca Ganancial/City Information Office)