MGA BAGO AT KONKRETONG DAAN RESULTA NG GOOD GOVERNANCE – MAYOR PAO

KIDAPAWAN CITY – (July 4, 2025) MAAYOS NA PAMUMUNO o good governance ang dahilan kung bakit tuloy-tuloy sa kasalukuyan ang pagpapatupad ng mga bagong proyektong daan sa mga kabaranggayan ng lungsod.
Sinabi ito ni City Mayor Atty. Paolo Evangelista ng ibigay niya sa mga residente ng tatlong purok ng Barangay Ginatilan, ang mga bagong konkretong daan sa kanilang mga komunidad.
Maliban pa sa nagmula sa buwis na binabayaran ng mamamayan ang naturang mga proyekto, isinantabi muna ng mga opisyal ng City Government ang nais nilang magkaroon ng bagong City Hall.
Bagkus, wika pa ng alkalde, na ang ninanais nilang magpatayo ng bagong gusali ng City LGU ay sa halip, ibinuhos na lamang sa pagsasaayos ng mga daan na mas mapapakinabangan pa ng nakararami.
Nitong umaga ng July 4 ay na i-turn over ng City Government ang abot sa halos P 7 Million na road concreting project sa Purok 1,2 at 4 ng Barangay Ginatilan.
Pinasalamatan naman ng mga residente ng lugar ang proyekto, lalo na at malaking pakinabang ang hatid ng mga ito sa mabilis at kumportable nilang pagbyahe sa pang-araw-araw.
Sisikapin ni Mayor Pao, na mako-konkreto na ang lahat ng mga daan sa mga barangay ng lungsod sa kanyang pangalawang termino.
Sinaksihan ang turn over ceremony nina City Vice Mayor Melvin Lamata Jr, City Councilors Aljo Cris Dizon, Mike Ablang, Galen Lonzaga at Atty. Francis Palmones Jr, mga department managers ng City Government, at ang Barangay LGU officials at purok leaders ng Ginatilan.##(Lloyd Kenzo Oasay/City Information Office)