KIDAPAWAN CITY MAYOR MAGPAPATUPAD NG ONE STRIKE POLICY SA MGA EMPLEYADONG LUMABAG SA ANTI-SMOKING AT NO HELMET NO TRAVEL POLICY

Kidapawan City-(July 3, 2025) INI-UTOS ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, sa lahat ng mga department managers ng City Government na imonitor ang kanilang mga empleyado kung sinusunod ng mga ito ang mga lokal na ordinansa na pinapatupad sa lungsod.
Ang kautosan ng alkalde ay kasunod ng mga reports na kanyang natanggap at maging personal na obserbasyon, na umanoy may mga empleyado ang hindi sumusunod sa mga ordinansa kagaya ng anti-smoking at ang hindi pagsusuot ng helmet.
Ayon kay Mayor Evangelista, nawawalan ng saysay ang kanyang utos na hulihin ang mga lumalabag sa anti-smoking at no helmet no travel policy kung mismong ang mga lingkod bayan at mga kawani ng lokal na pamahalaan ang sumusuway nito.
Sinabi ng alkalde na kapag may lumabag sa kanyang kautusan lalo na ang mga Job Order employees, casuals at Contract of Service, ay agad niya itong tatanggalin sa trabaho.
Kapag ang regular employees naman ang lumabag, ang department manager ng empleyado ang mananagot at magpapaliwanag sa alkalde.
Kaya ang apila ni Mayor Evangelista, maging huwaran ang lahat ng mga empleyado at sumunod sa mga batas o ordinansa, para maka iwas sa anumang uri ng aberya.##(Williamor Magbanua|City Information Office)