PAGSITA SA MGA LUMABAG SA ANTI-SMOKING ORDINANCE SA KIDAPAWAN CITY NAGPAPATULOY

Kidapawan City- (July 1, 2025) Nasa 67 na mga indibiwal ang nasita ng Kidapawan City Anti-Vice Regulation and Enforcement Unit sa lungsod, dahil sa paninigarilyo at paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar.
Karamihan sa mga binigyan ng citation tickets ay mga tricycle driver na bumabyahe sa mga pangunahing lansangan ng lungsod.
Ang ilan naman ay nasita sa loob ng sabungan, palengke, terminal, at maging sa mga Videoke bars.
Ang nasabing bilang ay naitala sa pinakahuling KidCare Apprehension Report, na nagsimula noong June 16 hanggang June 30 ngayong taon.
Nasa P1,500 to P5000.00 ang multang babayaran ng mga nasitang indibidwal, depende sa bilang ng paglabag sa Ordinansa.
Kaya naman patuloy na kampanya ng Kidapawan City LGU, na kung maari ay itigil na ang paninigarilyo upang makaiwas sa multa at malusog na pangangatawan. ##( Ryzyl M. Villote/ City Information Office)