DALAWANG BARANGAY SA LUNGSOD, NABIYAYAAN NG INFRASTRUCTURE PROJECTS MULA SA CITY GOVERNMENT

KIDAPAWAN CITY (June 7, 2025) – Isinagawa ang blessing at turn-over ceremony para sa dalawang infrastructure projects sa dalawang Barangay ng Kidapawan na may kabuoang halaga na humigit-kumulang P6M nitong araw ng Biyernes.
Pinangunahan ni Fr. Gerardo “Jerry” Tacdoro, DCK ang blessing sa tatlong road infrastructure project na kinabibilangan ng 81 metrong Road Concreting and RCPC Installation Project sa Purok 4, Sitio Sayaban at 46.50 metrong Road Concreting Project sa Purok 1B, Student Access Road Old Base Camp ng Brgy. Ilomavis, at 351 metrong Road Concreting with Open Canal and RCPC Installation Project ang itinurn-over sa Sitio Lumot Junction patungong Purok Madasigon Centro ng Brgy. Balabag.
Samantala, binigyang diin naman ni Mayor Pao na ang mga nabanggit na proyekto ay pinagmamay-ari ng publiko mula sa pondong ipinagkatiwala nila sa gobyerno, kaya at marapat lamang na ito ay kanilang ingatan at pangalagaan para sa ikagiginhawa ng kanilang komunidad.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente sa lugar dahil sa katiwasayang hatid ng proyekto, lalo na sa mga motorista. Dahil maliban sa mas mapapadali na ang paglabas-pasok ng mga sasakyan at produkto sa lugar ay kasabay nito ang pag-unlad ng kanilang ekonomiya at turismo.