PAGSASANAY SA FILIPINO SIGN LANGUAGE PARA SA MGA MAY KAPANSANAN SA PANDINIG AT PAGSASALITA PINALALAKAS SA KIDAPAWAN CITY

KIDAPAWAN CITY (August 7, 2025) – Malaking bahagi ng pangaraw-araw na pamumuhay ang komunikasyon, at pakikipag usap sa kapwa tao.
Pero paano ito magagawa ng isang may kapansanan sa pananalita gayung hirap sila sa pagbigkas ng mga salitang maaaring mamumutawi sa kanilang mga bunganga o kaya ay hindi man lang marinig ang magandang tinig mula sa kanilang kausap?
Sa Kidapawan City, inilunsad ng Persons with Disabilities Affairs Office o PDAO sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang “pilot testing” ng Filipino Sign Language o FSL, na karaniwang ginagamit sa pakikipagtastasan sa mga may kapansanan sa pandinig at pagsasalita.
Unang sinanay sa Filipino Sign Language ang mga PDAO Officers, saka ito isinagawa sa PWD Association Officers at members kasama ang ilan sa mga CSWDO Field Officers sa kani-kanilang PWD Association Office o Barangay Gymnasium.
Ang mga sumailalim sa pagsasanay ay inaasahan namang ibabahagi ang kanilang natutunan sa kanilang mga nasasakupan.
Sa kasalukuyan, nasa dalawampung (20) Barangay PWD Associations sa lungsod ang sumailalim sa naturang training.
Ayon naman kay PDAO Louie Quebec, pinaghahandaan ng kanilang tanggapan ang susunod na phase ng FSL na ihandog din sa mga BLGU at pribadong establisyemento upang maging tulay sa isang mas inklusibong pamayanan sa lungsod ng Kidapawan
Dadag pa ni Quebec na maaring makipag-ugnayan ang mga interesadong matuto ng FSL sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng pagcontact sa kanilang FB Page, PDAO Kidapawan City o E-mail, Pdaokidapawancity@gmail.com. Maaari din silang tumawag o magtext sa numero 09816389678.##(Vonkluck Herrera | City Information Office)