KIDAPAWAN CITY GAGAWING PILOT AREA NG PINAPLANONG LIVELIHOOD PROGRAM PARA SA SENIOR CITIZENS

KIDAPAWAN CITY – (August 7, 2025) KAHIT MATATANDA, pwede pa ring maging produktibo at umunlad pa sa buhay.
Ito ang nais makamit ng minimithing Livelihood Assistance Program ng National Commission of Senior Citizens o NCSC matapos ang matagumpay na Round Table Discussion of Inter Agency Collaboration for the Pilot Community-Based Non-Formal Program for Senior Citizens.
Pinag usapan ng NCSC, City Government of Kidapawan, at iba pang mga stakeholder’s kung anong klase ng programang pangkabuhayan ang ibibigay na tulong sa mga nakakatanda.
Sa pamamagitan ng programa, tuturuan ang mga senior citizens ng ibat-ibang skills development training at magpatakbo ng maliliit na negosyo.
Nais ng NCSC na unang ipatutupad ang naturang programa sa Kidapawan City, ani pa ni NCSC Chairperson Dr. Mary Jean Loreche na siyang Panauhing Pandangal sa aktibidad.
Katuwang ng NCSC sa pinaplanong programang pangkabuhayan para sa mga Senior Citizens ang Technical Education and Development Authority, Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry, Department of Agriculture, at ang City Government of Kidapawan.##(Lloyd Kenzo Oasay/City Information Office)