LOKAL NA PAMAHALAAN, PATULOY NA TINUTULUNGAN ANG MGA KOOPERATIBA SA PAGPAPALAGO NG KANILANG MGA PRODUKTONG LOKAL

Kidapawan City-(August 6, 2025) Kasabay ng isinagawang Kabarangayan Dad-an ug Proyekto ug Serbisyo o KDAPS 4.0 sa Brgy. Mua-an kahapon, ay nagbigay din ng suporta ang Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan sa mga kooperatiba ng lungsod upang mapalago at mapalawak pa ang kanilang mga produktong lokal.
Kabilang sa mga produktong kanilang ibinida ay mga coffee coaster, walis paypay, basahan, kape, sugar holder, pot holder at iba pa.
Layunin nitong maitaguyod ang mga negosyo ng kooperatiba at upang makapagbigay pa ng oportunidad sa mga miyembro nito
Ayon kay City Cooperative Development Office Head Lauro Taynan Jr., ang mga kooperatiba ay may malaking papel sa pagpapalakas ng ekonomiya.
Sa naitalang datos noong March 31, 2025, umabot na sa kabuuang 70 na kooperatiba ang nasa lungsod.##(Djallyca Ganancial/ City Information Office)