LIBRENG SERBISYO NG OCCR, TAMPOK SA KDAPS 4.0

Kidapawan City-(August 6, 2025) Maaga palang ay mainit na ang pagsalubong ng mga residente sa mga kawani ng Kabarangayan Dad-An Og Proyekto ug Serbisyo o KDAPS 4.0 nitong Martes, August 5, 2025.
Isa ang Office of the City Civil Registrar sa naghatid ng serbisyo sa mga residente ng Barangay Mua-an na kung saan inilalapit na sa mga tao ang pag request ng verification ng kanilang pagkakilanlan.
Ilan sa mga residente ang naka benepisyo sa KDAPS, sina Talino Ong Daguia, Adonis Ong Daguia, Aurea Talicusay Lirazan at Daniel Tabayag Gersava.
Buong puso silang pinagsilbihan ng mga kawani ng Office of the City Civil Registrar (OCCR) sa kanilang Late Birth Registration at pag berepika sa kanilang Marriage Certificate.
Laking tulong ito sa apat na Senior Citizens, dahil sa halip na magtungo pa sila sa sentrong bahagi ng Lungsod, ay mismong serbisyo na ng tanggapan ng pamahalaan ang lumapit upang tugunan ang kanilang mga karaingan.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga residente at mga opisyal ng Brgy. Mua-an sa Lokal na Pamahalaan at sa mga Partner Agencies ng KDAPS na naglaan ng oras, pagod at panahon upang tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan ng nasabing Barangay.##(Leo Umban | City Information Office)