PAMAMAYAGPAG NG KIDAPAWAN CITY MYNAS FOOTBALL CLUB, KINILALA NG LGU-KIDAPAWAN

Kidapawan City-(August 5, 2025) Sunod-sunod na panalo ang naitala ng Kidapawan City Mynas Football Club sa ibat-ibang Football Competition nitong buwan ng Hunyo at Hulyo ngayong taon.
Kinilala ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan kasabay ng Monday Convocation Program nito (August 5, 2025), ang panalong naiuwi ng grupo at ng mga miyembro nito matapos silang makipagtagisan ng galing sa mga kompetisyon.
Kasama sa grupo ang itinanghal na 2nd Runner Up sa IBERCUP 2025, International Youth Football Tournament na sina Xian Jude Aranas at JJ Warguez na ginanap sa Lisbon, Portugal na pawang mga manlalaro ng KCMFC.
Lumaban din sila sa 2025 Youth Football League na ginanap sa Alabang Country Club sa Muntinlupa City, Metro Manila kung saan naiuwi naman nila ang 2nd Runner Up sa U15 Category.
Hinirang din ang grupo bilang 1st Runner up sa U16 Category ng 1st Davao Striker Football Cup na ginanap rin sa Davao City noong July 12, 2025. Sila rin ang 2nd Runner Up sa U12 Category ng JC Football Tournament sa parehong lungsod.
Patunay na ang mga Football Players mula sa lungsod, ay kasing galing na rin ng mga Atleta mula sa ibang bansa. Bagay na karapat-dapat ding ipagmalaki ng mga Kidapaweños.##(Ryzyl M. Villote/ City Information Office)