MURANG BIGAS IBINIDA SA KDAPS 4.0 NG KIDAPAWAN CITY

Kidapawan City-(August 5, 2025) PINILAHAN at mas tinangkilik ng mga mamamayan ng Barangay Mua-an, Kidapawan City ang murang bigas na ibenebenta ng City Agriculture’s Office kasabay ng isinagawang Kabarangayan Dad-an ug Proyekto ug Serbisyo (KDAPS) nitong Martes, August 5, 2025.
Sa halaga kasing P50.00 ay makakabili na ng tatlong kilo ng bigas, higit na mas mura kung ikukumpara sa mga bigas na ibenebenta sa merkado.
Nilinaw ng City Agri Office na bagaman at kahalintulad ng denorado rice ang kulay ng murang bigas, ito ay isang uri ng commercial rice na maganda pa naman ang kalidad.
Ayon kay City Agriculturist Marissa Aton, nasa proseso sila ng pagpapatuyo’t ng palay sa warehouse gamit ang mechanical drier ng nagkaroon ito ng discoloration.
Nanghihinayang din kasi ang ahensiya na itapon ito dahil mapapakinabangan paman din daw ng mga mamamayan.
Sa katunayan kahit nga ang mga taga City Hall ay bumibili ng ganitong klase ng bigas at wala naman daw itong pagkakaiba sa mga commercial rice na nasa Mega Market o mga nasa pampublikong pamilihan.
Mabibili ang ganitong uri ng bigas kapag mayroong KDAPS sa mga barangay. Maliban sa bigas, mabibili din ang mga sariwang Tilapia at mga murang gulay sa display booth ng City Agriculture’s Office.
Mula sa mga magsasaka ng lungsod ang ibenebentang mga murang gulay na binibili ng City Government sa pamamagitan ng programang buy back program..##(Williamor Magbanua/City Information Office)