BASKETBALL AT MGA LARONG PINOY, NAGPASAYA SA KDAPS 4.0 SA BRGY. MUA-AN

Kidapawan City- (August 5, 2025) Sa Barangay Mua-an ang naging destinasyon ng buong Team ng Kabarangayan Dad-an ug Proyekto ug Serbisyo o KDAPS 4.0 ngayong araw August 5, 2025.
Naging sulit ang pagdalo ng mga residente ng barangay sa programa, bukod kasi sa mga serbisyong dala ng grupo para sa lahat, ay may Friendly Basketball Game at mga Larong Pinoy din na inihanda para sa mga mamamayan nito.
Bumida sa basketball game ang mga Barangay Officials ng Mua-an, laban sa koponan ng Team Pogi kasama ang mga Chairpersons ng ibat-ibang barangay gayundin ang mga City Officials. Kung saan itinanghal na panalo ang BLGU Mua-an.
Bukod sa cash prizes, nagsilbing bonding na rin ng mga taga Barangay ang mga isinagawang Larong Pinoy dahil nagpapakita ito ng kanilang matibay na samahan sa kumonidad. Lahat ay pwedeng makasali mula sa mga bata, hanggang sa mga Senior Citizens.
Ikinatuwa rin ng mga naroon ang Zumba Dance Competition, at humataw sa dancefloor ang mga kalahok.
Ilan lamang ito sa mga bahagi ng programang KDAPS na naglalayong mapasaya at mapangiti, ang lahat ng mga nakiisa sa kanilang pagdalaw sa mga barangay sa Lungsod.##(Ryzyl M. Villote/City Information Office)