MGA EMPLEYADONG NAGTAGUMPAY SA CS AT LET EXAMS, PINARANGALAN NG CITY GOVERNMENT

KIDAPAWAN CITY (August 4,2025) – BILANG pagbibigay halaga sa mga nai-ambag ng mga lingkod bayan sa Kidapawan City Government, kinilala nito ang pagpupunyagi at ang pagsisikap na maipasa ang mga pagsusulit sa Career Professional Examination ng Civil Service Commission (CSC) o sa kahit anumang mga Licensure Examinations.
Sina Renz Mangawang at Katlyn Satera ay kinilala matapos na matagumpayan ng mga ito ang napakahirap na pagsusulit ng CSC.
Samantalang nagawa ring ipasa ni Anelyn Paña ang Licensure Examination for Teachers (LET). Ang mga lisensiyang ito ay magagamit ng mga nabanggit na mga empleyado sakaling mahirang sila na mga Regular Employees.
Bakas sa kanilang mga mukha ang kagalakan at tuwa habang tinatanggap ang Sertipiko ng Pagkilala mula sa mga matataas na opisyal ng lungsod.
Ang kanilang tagumpay ay katuparan upang mas lalo pang linangin ang kanilang kakayahan at kahusayan sa paglilingkod para sa mga Kidapaweños.##(Vonkluck Herrera | City Information Office)