MAHIGIT 2.8M PUNO NAITANIM SA LUNGSOD SA ILALIM NG CANOPY25

KIDAPAWAN CITY – (May 27, 2025) SUMOBRA pa sa target na dalawa at kalahating milyong puno ang naitanim ng City Government at kapartners nito sa Canopy25 mula ng ilunsad ni City Mayor Atty. Pao Evangelista ang programa noong February 2023.
Basehan ang bilang sa ulat ng CENRO sa Flag Raising Ceremony at Convocation Program ng City Government noong May 26.
Ayon pa kay Mayor Evangelista. layunin ng Canopy25 na protektahan ang kalikasan at pagkukunan ng tubig maiinom ng mga Kidapawenyo.
2,813,633 ang saktong bilang ng iba’t ibang endemic at fruit trees ang itinanim sa ilalim ng Canopy25.
2,518 ektarya naman ng mga lugar sa watershed area, paligid ng Mt. Apo National Park,tabing ilog,tabi ng daan,mga farms at pribadomg lupa ang natamnan ng puno.
Mahigit naman sa sampung libong mamamayan tulad ng mga kawani sa gobyerno,mga guro at estudyante, GKK at mga religious groups at iba pang stakeholders ang nagtanim ng puno bilang suporta sa Canopy25.##(Lloyd Kenzo Oasay| City Information Office)