LIBO LIBONG SENIOR CITIZENS NAKATANGGAP NG LIBRENG SERBISYO MULA SA CITY GOVERNMENT

KIDAPAWAN CITY – (July 29, 2025) PANGUNAHING sektor pa rin ang Senior Citizens, na itinataguyod ng City Government sa usapin ng pagbibigay ng libreng serbisyong medikal.
Malaking pakinabang sa mga nakakatanda ang mga programang ipinatutupad ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista para matiyak na mayroon silang malusog na pangangatawan at tamang nabibigyan ng serbisyo sa ilalim ng Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2020.
Sa ulat ng Office of the Senior Citizens Affairs o OSCA na kanilang inihayag nitong July 28 Convocation Program ng City Government, narito ang bilang ng mga Senior Citizens na nakabenepisyo sa iba’t ibang programa ng City Government:
Medical Consultation at Check Up (3,425), Provision of Maintenance Medicine (610) at Vitamins (759), Eye Care Program o libreng pamimigay ng salamin sa mata (600), Eye Screening for Cataract and Ptyregium (340), Ear Care Program (95) at Physical Fitness Program (555).
Mahigit naman sa 900 na Senior Citizens mula edad 80-99 at 100 years old pataas ang nabigyan ng cash gift mula sa City Government.
Mayroong 24 na nabigyan ng assistive devices habang nasa 9,440 naman ang nabigyan ng Social Pension.
Ang naturang bilang ay mula Enero hanggang Hunyo ng 2025, ayon pa sa report ng OSCA.
Mahigit sa 17,000 ang bilang ng mga rehistradong Senior Citizens sa Lungsod ng Kidapawan sa kasalukuyan. ##(Lloyd Kenzo Oasay/City Information Office)