GKK NA NAKIISA SA CANOPY 25, PINARANGALAN NG CITY GOVERNMENT

KIDAPAWAN CITY -(July 29, 2025) Kasabay ng Convocation Program ng City Government nito lamang Lunes, July 28, ay kinilala ang kontribusyon ng GKK San Isidro Labrador ng Sitio Puas Inda ng Brgy. Amas, matapos itong makapagtanim ng dalawang daang (200) punong kahoy, bilang pakikiisa sa hangarin ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan na ipanumbalik ang sigla ng kalikasan.
Maliban sa sertipiko ay ginantimpalaan din ang nasabing GKK ng Cash Incentive bilang suporta ng Lokal na Pamahalaan sa gawain ng Diyos sa simbahan.
Personal namang iniabot ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang parangal kasama sina City Vice-Mayor Melvin Lamata, Jr., City Councilors Bernardo Piñol, Jr., Dr. Philbert Malaluan, Dr. Ted Matthew Evangelista, Atty. Dina Espina-Chua, Jayson Roy Sibug, Mike Ablang, Carlo Agamon, Judge Francis Palmones, Jr., at LIGA President Ricardo Reforial.
Patuloy naman ang panawagan ng City Government of Kidapawan sa iba’t-ibang sektor at grupo sa lungsod na makiisa sa pangangalaga ng ating kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punong kahoy para sa mga susunod na henerasyon.##(Vonkluck Herrera|City Information Office)