ECO-FRIENDLY NA C-TRIKE, IPINAKILALA NG DOST REGION 12 AT CAGAYAN STATE UNIVERSITY SA LUNGSOD NG KIDAPAWAN

Kidapawan City- (July 29, 2025) Bilang hakbang tungo sa mas environment-friendly na transportasyon, opisyal na ipinakilala ng Department of Science and Technology Region 12, katuwang ang Cagayan State University (CSU), ang isang eco-friendly na C-Trike sa Lungsod.
Isa itong de-kuryenteng tricycle na naglalayong mabawasan ang gastos sa gasolina at makakalikasang alternatibong transportasyon sa lungsod.
Handang ibahagi ng Electromobility Research and Development Center ng Cagayan State University ang teknolohiya sa pag-convert ng tradisyonal na tricycle tungo sa isang makabagong tricycle.
Ang C-Trike project ay popondohan ng DOST, kaya’t walang kailangang bayaran ang Lokal na Pamahalaan.
Humigit-kumulang isang milyon (1.1M) ang ilalaan upang masubok kung ito ay tatanggapin ng mga tricycle drivers sa lungsod.##(Djallyca Ganancial/City Information Office)