TAPAT NA KIDAPAWEÑO, PINARANGALAN NG CITY GOVERNMENT

Kidapawan City-(July 28, 2025) TATLONG mga magigiting na mga Kidapaweños ang pinagkalooban ng pagkilala dahil sa ipinakita nilang katapatan at pagtupad sa tungkulin.
Tunay nga na marami paring tapat at mapagkakatiwalaang residente ng lungsod tulad na lamang ni Rellvienne Pearl C. Requinton, estudyante at residente ng Barangay Lanao na nagsauli ng napulot nitong P5000.00.
Pinagkalooban din ng Certificate of Commendation ang dalawang mga K-9 handlers dahil sa matagumpay na paghuli sa isang magnanakaw sa Kidapawan City Mega Market. Kinilala ang dalawang magigiting na mga empleyado na sina Joffrey E. Enriquez Jr. At Ruel N. Renegado.
Mismong si City Mayor Pao Evangelista ang nag abot ng sertipiko ng pagkilala na sinaksihan naman nina Vice Mayor Melvin Lamata Jr.
Nasa awarding ceremony din sina City Councilors Dr. Philbert Malaluan, Dr. Ted Matthew P. Evangelista, Aljo Chris Dizon, Mike Earvin Ablang, Carlo Agamon, Galen Ray Lonzaga, Atty. Dina Espina-Chua, Bernardo Piñol Jr., Atty. Francis Palmones, SK Federation President Pearly Jean Balgos at ABC President Ricardo Reforial.
Personal ding nagpaabot ng kanyang pagbati ang Alkalde ng lungsod at pinasalamatan ang mga nasabing indibidwal dahil sa katapatan at kagalingang kanilang ibinigay bilang mga Kidapaweños.##(Leo Umban/ City Information Office)