STUDENTS SUBSIDY NASIMULAN NG IPAMAHAGI, SA MGA ESTUDYANTE SA KIDAPAWAN CITY

Kidapawan City- (July 18,2025) Door to door na ipamamahagi sa lahat ng mga Estudyanteng Kidapaweños ang Cash Subsidy, na matatanggap ng mga mag-aaral sa Elementarya at Highschool sa Lungsod ng Kidapawan.
Ang Cash Subsidy na nasa P500.00 para sa mga regular learners at P1000.00 para sa mga PWD Learners, ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng Lokal na Pamahalaan sa sektor ng Edukasyon.
Mismong si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang nag-anunsyo nito, at nagbigay direktiba na ang mga kawani ng City LGU ang pupunta sa mga paaralan sa lungsod.
Ang Cash Subsidy ay isa sa mga programang ipagpapatuloy ng Lokal na Pamahalaan, katuwang ang lahat ng mga Taxpayers sa lungsod na may layuning makatulong sa mga gastusin ng mga mag-aaral.
Hindi lamang mga estudyante ang nagpahayag ng kanilang malaking pasasalamat sa programang ito, pati na rin ang kanilang mga magulang.
Ang bawat ngiti ng mga kabataang nakatanggap ng tulong pinansyal, ay simbolo rin ng pagiging epektibo ng nabanggit na programa. Sa ganitong paraan, magiging magaan ang pagsisimula nila ng kanilang panibagong school year at pag-abot ng kanilang mga pangarap. ##(Djallyca Ganancial & Lloyd Kenzo Oasay/ City Information Office)