STUDENTS SUBSIDY IPAPAMAHAGI NA NGAYONG HULING LINGGO NG HULYO, SA KIDAPAWAN CITY

Kidapawan City- (July 3, 2025) Ngayong huling linggo ng Hulyo ay ipapamahagi na ang Students Subsidy, sa lahat ng mga mag-aaral sa Elementary at Highschool sa mga pampublikong paaralan sa Kidapawan City.
Nasa P500.00 ang matatanggap ng bawat estudyante at P1,000.00 naman para sa lahat ng mga PWD Learners.
Humingi naman ng pag-unawa si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, para sa naging delay ng release dahil sa isinagawang Cross Checking para na rin walang makaligtaan at lahat ng mga Estudyanteng mula sa lungsod ay makatanggap ng nasabing subsidies.
Dagdag pa ng Alkalde, wala ng isasagawang Ceremonial Distribution, at ang mga kawani na ng City LGU ang tutungo sa mga paaralan upang ihatid ito sa mga kwalipikadong estudyanteng Kidapaweño.
Paalala niya rin na ang Student Subsidy ay mula sa taxes na binabayaran ng bawat tax payer sa lungsod. Gayundin ang pagpapaabot niya ng pasasalamat sa tulong na maibibigay nito para sa mga mag-aaral bilang pambili ng mga kagamitan para sa kanilang pag-aaral tulad na lamang ng lapis at papel.
Sa susunod na taon, nasa P1,500.00 na ang Subsidy. Katuparan ng mga pangako at bunga na rin ng pagsisikap at pagtutulungan ng Kidapawan City-LGU at mga Taxpayers ng lungsod. ##(Ryzyl M. Villote/ City Information Office)