MGA PROYEKTONG PANG-IMPRASTRAKTURA PORMAL NG IPINAGKALOOB NG CITY LGU SA BARANGAY MANONGOL

Kidapawan City-(July 3, 2025) APAT na mga proyektong pang aimprastraktura ang ipinagkaloob ng City Government sa Barangay Manongol, nitong araw ng Huwebes, July 3, 2025.
Kabilang sa mga proyektong ito ang road concreting sa Purok 2A at Purok 4B na nagkakahalaga ng mahigit sa P25 million pesos at 2.2 million pesos halaga ng box culvert sa Purok 2A mangosteen.
Pagtupad ito sa nauna nang ipinangako ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na ang proyekto ito ay para sa mga mamamayan ng Manongol na matagal nang nagtitiis sa malubak na daan at mga pagbaha sa nakalipas na mga taon.
Dagdag ng alkalde, ang perang ginamit sa mga proyektong ito ay mula sa bulsa ng mga tax payers, kaya hiling, ingatan at pahalagahan ang mga ito.
Pinasalamatan naman ni Punong Barangay Morgan Melodias, si Mayor Evangelista dahil natupad na ang matagal nang pinapangarap na proyekto ng mga residente.
Dagdag pa ni Melodias, ang proyektong ito ay magdudulot ng ginhawa sa mga residente at mga mag-aaral para sa kanilang kaligtasan sa tuwing pumapasok ang mga ito sa paaralan.##(Djallyca Ganancial/ City Information Office)