SUPPLEMENTARY FEEDING PROGRAM NG DSWD, NAIPAMAHAGI SA LUNGSOD NG KIDAPAWAN

Kidapawan City-(June 30,2025) Naipamahagi ngayong huling araw ng buwan, June 30, 2025 sa City Pavilion ang mga Supplementary Feeding Program supplies sa mga magulang ng mga daycare students sa tulong ng mga child development workers o CDW.
Kabilang sa mga naipamahagi ngayong araw ay mga gulay gaya ng patatas, carrots, cabbage, upo, mga tinapay, itlog, bigas, karneng manok, delata at marami pang iba.
Nasa kabuoang 112 na mga beneficiaries ang nakatanggap sa nasabing mga supplies na aasahang tatagal sa loob ng anim na buwan.
Tulay ito ng DSWD upang matulungan ang mga kabataan na mapunan ang kakulangan sa access sa sapat na nutrisyon upang mapabuti ang kalusugan ng mga bata.
Sa tulong ng mga magulang, Child Development Workers, at lokal na pamahalaan aasahan na patuloy na mapapanatili ang malusog na kalusugan ng mga bata sa bawat komunidad.##(Djallyca Ganancial | City Information Office)