PAGTATAPOS NG JOBSTART TRAINING, MAINIT NA IPINAGDIWANG SA KIDAPAWAN CITY

Kidapawan City-(June 30,2025) Mainit na ipinagdiwang ng mga jobstarters ang pagtatapos ng kanilang Ten (10) Day Soft/Core Skills Training sa isang seremonya na ginanap sa Kidapawan City Convention Center ngayong araw ng Lunes, June 30,2025.
Nakapagtala ng walumpu’t lima (85) na mga graduates, kung saan ang mga ito ay sumailalim sa sampong araw na soft/core skills training tulad na lamang ng team work,communication, at iba pa.
Dinaluhan ang nasabing seremonyas ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista kasama sina Labor and Employment Officer III Zarah Louise Mahinay, Jobstart FO Focal Donna Mae O. Baron, Senior LEO Supervising LEO Designate Mansour Jesu Kairos C. Orfrecio, Senior TESDA Especialist, at Kidapawan City PESO Manager Herminia C. Infanta.
Ayon kay City Mayor Evangelista, sana gamitin ng mga jobstarters ang training na ito para sa kabutihan at magsilbing inspirasyon sa lahat.
Naging matagumpay ang nabanggit na training sa pagtutulongan ng Department of Labor and Employment, Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan at Public Employment Service Office o PESO.
Ito ay patunay na ang Lokal na Pamahalaan ay patuloy na nagsusumikap at nagsusuporta sa mga programang hindi lamang nagbubukas ng bagong oportunidad, kundi dedikasyon din sa ikakaunlad ng komunidad.##(Djallyca Ganancial | City Information Office)