๐๐๐๐๐ NG CITY LGU MAS PINALAKAS AT PINALAWAK SA TAONG 2025.

KIDAPAWAN CITY โ (March 11, 2025) Kasabay sa pagdiriwang ng Anibersaryo ng Barangay Kalasuyan ngayong araw na ito isinagawa ang kauna-unahang Kabaranggayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo o KDAPS activity sa taong kasalukuyan.
Pinamunuan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista at City Vice Mayor Melvin Lamata Jr. kasama ang mga ilang mga City Officials ang programa upang maihatid at mailapit
ang serbisyo, proyekto at mga benepisyong ibinibigay ng City Government sa mga mamamayan sa lahat ng barangay sa lungsod.
Nagbibigay ng libreng serbisyo ang ibaโt-ibang mga tanggapan at departamento ng City Government pati na mga partner Agencies nito sa mamamayan sa ilalim ng KDAPS.
Tinatayang nasa 927 ang bilang nga mga residente na nabigyan ng serbisyo kanina.
Nagsagawa rin ng ibaโt ibang larong pinoy, tulad ng Sock Race, Tubang Preso, BasketBall, Zumba at Sinulid na ipasok sa karayom.
Maliban sa Barangay Kalasuyan, nakatakdang isagawa rin ang KDAPS sa iba pang mga barangay sa susunod na mga araw.## (Leo Umban ฮ City Information Office)